BRAD LAURENTE … ‘BASTUSIN’


Simple at tahimik na tao lang si BRAD LAURENTE.  Nang mapasabak siya sa mga pink at softporn indies ay parang ayaw na siyang tigilan ng offers! Nabibilang pa naman ang kanyang mga pelikula pero masasabing sobra siyang nagiging prolific dahil maya’t maya ay mayroon siyang isa o dalawang ipapalabas!  Fresh graduate mula sa kanyang marine course, heto at tampok siya bilang masahista at third party sa ‘BASTUSIN’ . Maiinit at maseselang eksena ang kasasangkutan niya kasama sina   SOFIA LEE, LORRAINE LOPEZ, NORRIS JOHN, RALPH LOUIE, at LILY MONTELIBANO. Handog ng  N.J FILMS sa direksyon ni JIGZ RECTO.