VIVA 2013!


pizap.com13569537592711 Magpatuloy sa pagbasa

“SHOWBIZ CENTRAL” : GOOD RIDDANCE!


Ang isang TV show kapag tatanggalin na sa ere ay parang taong naghihingalo.  Kahit ano pa mang dahilan ng terminasyon nito ay immateryal nang pag-usapan. Nasa kamay ng mga dyos-dyosan sa networks ang bawa’t itatakbong buhay ng mga produkto nila.  Opisyal na ang katotohanang sa July 29 ang swansong airing ng ‘SHOWBIZ CENTRAL’ ng GMA7. Magpatuloy sa pagbasa

MANNY PACQUIAO , DELUSIONAL AT MALALA NA ANG DEMENTIA PRAECOX!


Hindi ko agad pinatulan ang diumano ay ‘gay bashing’ na ginawa ni Manny Pacquiao nang batikusin niya ang pagsang-ayon ni US President Obama sa gay marriage.  Hindi ko mapatulan dahil in the first place, opinyon niya ‘yon at alam naman nating nagiging panatiko to the point of being mediocre ang boksingerong sagana sa bugbog nguni’t hikahos sa pinag-aralan. So what’s the point of reacting? But then bigla siyang bumawi at nag-sorry sa gay community dahil namisqoute laang daw siya ng nag-interview sa kanya kung saan ay pinalabas na binase niya sa isang passage sa bibliya (Leviticus) na ang sinumang pumatol sa kapwa kasarian ay mapunta sa impyerno. Agarang sinalo ito ni Granville Ampong , ang nag-interview; at mukhang may whitewashing na naganap dahil sa turuang naganap afterwards .  Nagrereak lang ako ngayon dahil sobrang nakakaawa na ang kabobohang inilalako ng milyonaryong boksingerong ito. Magpatuloy sa pagbasa

VICE GANDA & KATHERINE LUNA : NOT SO BLIND ITEM FAVORITES!


Hello? Afektated ang byuti koh sa sobrang heat! Kaya these past days, kevs lang aketch at nirefrigerate ang sarili at hindi nag-effort masyadong bumlag. But then naaliwski ako sa shout outs ng BFF kong si Throy Catan dahil rumarachada siya ng BLIND ITEMS!  Windanggo sa ilaw ako sa kanyang mga binulalas tulad nitong una yesterday : Isang mahusay na actress sinayang ang magandang pagkakataon sa kanyang buhay nandun na sana siya bilang isa sa mga mahuhusay na actress kaso hindi niya ito pinagpahalagan, Magpatuloy sa pagbasa

MARIFE NECESITO FANCY HER IN ‘SARONG BANGGI’ !


Photographed by April Arevalo
Styled by Shandii J and Anne Garcia
Hair & Make Up: Nina Dumpa
Gold Plated Earrings from MISSOLOGY by Missology Josie Maik.
MISSOLOGY is located at the Teens Zone, space #30007, 3rd Floor of Glorietta 3 in Makati.

“MARIFE NECESITO is NOT your ordinary actress. SHE is THE actress… of INTERNATIONAL magnitude!”  Iyan marahil ang dapat sabihin sa mga taong minimenos ang kakayahan ng isang MARIFE NECESITO. Seguro ang mga ito ay may kakulangan sa pagninilaynilay dahil hantad na ang katotohanang ang artistang ito ay ipinaglihi sa kanyang sarili at sa sining ng pag-ganap.  Mahirap tawaran at dapat igalang ang estadong kanyang kinalalagyan ngayon lalo na’t maugong ang kanyang pangalan sa mga film festival sa ibayong dagat. Kung may duda pa sila sa kanilang sarili bakit hindi nila kayaning pumila at maranasan ang puro at maningning na kaganapan ng kanyang pagiging isang alagad ng pag-arte sa ABRIL 26, sa MUSIC BOX COMEDY BAR (Timog Ave., QC) , alas 9 n.g. ?  Malamang na alam na ng sambayanan by this time na siya ang gaganap bilang JACLYN sa stage adaptation ng indilikulang ‘SARONG BANGGI’ .  Lately, sa aming maiksing chat naichikka nya sa akin na dibdiban at nakakatense raw ang rehearsals nila ni Direk Archie del Mundo at ang baguhang aktor na si ROB JOSEPH para kakaiba talaga ang kalalabasan nito. Sa tanong ko na : Ano namang method ang sinakyan mo ‘teh to delienate the role?  Sey niya without batting her eyelash : Ayoko nga munang panoorin ang pelikula mama kasi baka magaya ko performance ni ms. Jaclyn or ma conscious ako.Sobrang galing niya daw sa film na yun, kaya ang laking bagay at challenging for me na magawa ko ito sa entablado. ang ginagawa ko,bumabase lang po ako sa script, sa back story ng character, para magawa ko lang po ng makatotohanan at natural sa sitwasyong pinag-usapan nila i nung gabing yun.  Well said indeed, Ms. Marife!

MAY TICKET RESERVATIONS NA BA KAYO? KUNG WALA PA, CALL NA AGAD KAY THROY CATAN 09194880422 or (02) 5071214