DRAGGING DRUGS INTO THE LIGHT


artwork : paulhroquia

artwork : paulhroquia

The most alarming news to settle right into my navel last week was on drugs.  Allegedly , some enterprising Filipino fostered alliance with the Mexican drug cartel and expand their business in the country! Magpatuloy sa pagbasa

MOON MAMON


[fotocourtesy: astrosurf.com]

[fotocourtesy: astrosurf.com]

I haven’t written in Filipino for a while. It is part of my going global with Aliwan Avenue but then I realized that I can easily make my sweet language a universal phenomenon if I strongly put some words that tilt consciousness towards an edge and let it drift while letting the best of time become the judge. Magpatuloy sa pagbasa

bessie! badilla!




kapag nakausap mo nang masinsinan si bessie badilla, para kang umiinom ng fresh buko juice! dahil sa sobrang kasariwaan ng kanyang katinuan , hindi mo halos mapansing kay rami na nyang nailahad tungkol sa kanyang buhay, karera at mga balakin. walang mapurol na sandali, wala kang mapagsidlan ng tuwa.

isa si bessie sa mga ramparadorang sinamba ng mga jokla hindi dahil sa kanyang angking galing sa pag-sashay at catwalk , kundi dahil sa kanyang kabuoang kagandahan bilang isang tao. bukod tanging pilipina rin siyang naging reyna sa sao paulo karnabal ngayong taong ito. lalo mo siyang pagtakhan dahil hindi ka halos maniniwalang singkuwenta na ang lola mo.

inaamin niyang lubos siyang nagpapasalamat sa mga doktor na walang sawang pinapatingkad ang kanyang alindog nguni’t diin nya, ayaw nyang magmukhang bata kundi nais nyang maging maganda sa kanyang edad. noong isang taon lang ay nalampasan nya ang thyroid cancer at ngayon ay unti-unti nang nararamdamang tuluyan na siyang gumaling. balo man, mukhang napakabalanse ng kanyang mga emosyon dahil sa kanyang mga anak. kakaloka talaga siya, walang kiyeme, walang pasubali, tanging ang nasa puso ay lubusang maranasan ang katuturan ng pagiging isang ‘bessie badilla’!

… syanga pala si manay bessie ay isa ring manunulat! katunayan mayroon nang nagawang animation hango sa isa nyang obra, ito ay ang FLYASWANG… abangan!

‘ploning’ … tagpi-tagping alaala sa gitna ng mga aninong gumagalaw




(bilang pagsuporta sa pelikulang ito na nominado sa OSCAR awards, nais kong ibahagi ang buong artikulong matatagpuan sa http://www.anchafluconchuchu.blogspot.com. ni rAzAzO’o)


malaon na ring panahong hindi ako pumapasok sa anumang sinehan. lalo’t higit kung ang palabas ay likhang pinoy dahil di katagalan ay mapapanood na rin ang mga ito sa cinemaOne o sa pinoy blockbuster channel ng viva. wala rin akong kaamor-amor sa mga panghikayat ng mga trailer o ng mga sinasabi ng mga nakapanood sa mga premiere nights ng mga ito. at , tabi-tabi lang po ; sobrang gasgas na ang mga inilalahad nitong kwento kuno ng pag-ibig at ng buhay… akala ko habangbuhay nang hindi kikita sa akin ang mga sineng atin, hanggang sa bigla na lang lumitaw ang balitang gumigiling na ang kamera ng PANORAMANILA productions sa cuyo island para sa isang pelikulang pinagbibidahan ni judy ann santos bilang ‘PLONING’. ayon sa mga press release, ito ay sinulat at dinirihe ni dante nico garcia, isang production designer at matalik na kaibigan ni juday. sa estado ng pinakasikat na artistang babae ng kanyang panahon, hindi matatawaran ang talas ng kanyang desisyong maging prodyuser ng sariling pelikula. lalong nakakahangang isipin na ipinaubaya niya ang istorya at direksyon sa first timer na si garcia. masasabi ring napaka-inspirado ng buong kalakarang pampelikula nito dahil ito ay napapalamutian ng mga bukod-tanging pagganap ng mga batikang artistang malapit sa puso ni juday.

at nahikayat na nga akong sugurin ang pinakamalapit na sinehan upang panoorin ito. lumublob ako sa marahang daloy ng mga eksena sa loob ng pinagtagpi-tagping hiwaga ng kasaysayan nito. napangiti sa malulutong na ‘postcard’ pretty na mga tanawing isinaliw sa ginantsilyong paglalahad ng katuturan ni ploning sa gitna ng kanyang katahimikan at matalinhagang pananaw sa buhay at pag-ibig ng kanyang panahon. bawa’t sulpot ng karakter ni tessie tomas, bilang ‘celeste’ ay laging may pandagdag na detalye sa katauhang kahit pinag-uusapan na lamang ay laman ng mayamang alaala ng kanilang nakaraan. ang isinantabi niyang damdamin at paglapat ng pagmamahal sa batang si digo at ang makabuluhan nilang samahang magkakaibigan ay mga natatanging palaman ng panooring ito. ang ‘paghahanap’ ni mou sei, at ang ‘maalat’ na himutok ng ginampanang papel ni gina pareño ; mga maituturing na natatanging mga bato sa buhangin ng matulaing dalampasigan ng cuyo…

nakagagaang isiping isang pelikulang walang sex o violence o panlalamang sa kapwa at sa sarili ang lumutang sa unang bugso ng tag-araw ng 2008 ; napakasarap isiping sa di kalayuang nakaraan ay malamang isang mundo na pinamugaran ng marubdob na katauhang katulad ni PLONING…

narito ang sinopsis ng ‘ploning’ mula sa website nito:

In the picturesque island of Cuyo, Palawan, an illegal Taiwanese fishing vessel docks carrying the fisherman named Muo Sei, a man looking forsomething or someone with the name Ploning. He has from sunrise to sundown to look for this “Ploning”.
In his search, Ploning is revealed to be the island’s town belle of the year 1982. A dutiful daughter to patriarch Susing, a committed supporter to grieving Intang, an honorary sister to extended family Nieves and Toting a wise ally to simpleton Alma, a supporter to broken-hearted Siloy and a co-mother to half-paralyzed Juaning. A woman so important that the townbarely notices the absence of rain because of her presence in their lives.
Despite her renowned beauty, everyone is puzzled why this 30-year-old spinster refuses to get married and still hopefully waits for her beau, Tomas, to come back. Tomas left for Manila when Ploning was 16 years old and there has been no sign of him coming back any time soon. Ploning’s silent demeanor adds to the mystery and depth of love that no one seems to understand.. In the center of this, is a 6-year-old boy named Digo who has built his world around the affection and care of Ploning, his foster mother. But his entire world crashes as he learns that Ploning has plans of going to Manila to look for Tomas. Thus, leaving the boy with his bed-ridden mother, Juaning and his strict older brother, Veling. Digo trieseverything to stop Ploning from leaving and finds an ally in the town’s visitor, the beautiful town nurse, Celeste. Celeste claims to have known and fallen in love with a man named Tomas and tried to follow him in Cuyo to find out if he loved him back. Ploning, with security and so much faith, denies that her Tomas and the man Celeste fell in love with are the same man. On the day of the fiesta, the rain comes and Ploning seems to be missing. Digo’sfeeling of abandonment leads to a tragedy that grieves the town. But no one was prepared for the secret that Ploning has kept all these years. A secret that exemplifies the selfless love that withstands blood, pain and even time.
Did Ploning choose closure with the man she has been waiting for half her life or the future of young boy whose life is not her own?
Will Muo Sei find his Ploning, accept the love revealed to him or continue to walk in hate?

bonnevie, dina…


katuwang magbaliktanaw paminsan-minsan lalo na’t mga mababangong alaala ang lumalantad at sukat ng di na sinisipulan. mga araw ng kabataan at kawalan ng muwang habang binubuo ang mga pangarap at kinabukasan. mga takdang panahon na nakatatak sa isipan upang hagurin pagdating ng oras ng katandaan… isa rito ay ang 1985, ang taong nakilala ko si DINA BONNEVIE.

‘twali noong 1975 nang saglit akong nag late night dj sa radyo sa legazpi city ay may regular caller at nagrerequest na dina bonnevie of washington drive (capt. f. aquende drive na ngayon). sey ng sisteret, ka-batch raw niya ito sa st. agnes academy. ah, ok. taz, noong nasa manila na ako, ilang buwan bago nag-PP sa edsa, sinubukan ako ni direk boots plata na umakting-akting sa preprog (TVBoxOffice “Bubbles&Jeremy”) ng EATBULAGA! na nasa channel 9 pa noon; join at tsika na rin ako. si michael de mesa ang bidang men at naka-2 day taping na kami , wa pa rin leading babae. dapat raw si ness kaya lang kakashupostra pa lang ng sitcom nila ni michael. taz, biglang nagkagulo sa TAPE studio sa 3rd day sked nang may nagwawala sa gate. hello? si dina bonnevie pala ‘yon? hindi na malinaw kung bakit niya pinagmumura ang mga guard sa gate kasi ang tagal na rin kasi n’un. basta’t kibit-shoulder lang silang lahat DAHIL , maghihiwalay na pala sila ni bossing that time. ‘aburida’ as in ang first imprey ko sa kanya. nakasimangot lagi at kahit inaaliw siya ni direk, saglit siyang hahalakhak sa mga jokes at kagyat ring babalik sa kanyang madilim na sulok. kesyo juklang jorlorista ang role ko, kesyo bestfriend ko kuning ang lolah, dinededma niya ako. ‘twali, nakakashokot tumabi sa kanya, parang any monument bugahan ka ng asopre!
habang tumatagal, naging close kami. charuz. close daw o. yeah, true. naging close kami as in nagtatawagan at narealize ko na isa siyang matino at may breeding na tao. pumapasyal nga ako sa iiwanan na nilang haus noon sa teacher’s village at nabentahan ko siya ng ROYAL QUEEN na wok which up to now usage pa rin ng ate! o , laban ka?
tapos nag PP nga sa edsa. pebrero ‘yon. eh ang showing namin ay marso. natuloy ang showing pero napurnada ang showbiz career ko… yon ang panahong ayoko nang isipin… yong lumayas si apo M at pumalit si cory… ayaw ko ng erang iyon. basta, masaya na rin akong nakilala ko si dina at hanggang ngayon ay wiz pa niya forget ang byuti ko. labs kita , geraldine!

alec mapa, pinoy sa haliwud!


Nakakaproud isipin na isa pang pinoy ang namamayagpag sa haliwud. bagama’t sa san francisco na siya ipinanganak, hindi niya ipinagkakailang dikit sa buto at malapot ang dugo niyang Pilipino. siya ay si ALEC MAPA, isang 43 anyos na aktor at komedyante sa amerika. ginampanan niya ang papel bilang baklang kaibigan ni Gabrielle ( Eva Longoria) sa patok na serye ng ABC na “Desperate Housewives”, kasali rin siya bilang tv entertainment anchor sa isa pang seryeng “Ugly Betty”. Bago pa man ang mga nabanggit na paglabas, siya ang kauna-unahang asyanong naging tampok at regular bilang ‘adam benet’ sa UPN comedy na “Half & Half”. una niyang malaking ‘break’ ay nang siya ang ipinalit kay b.d. wong sa M. Butterfly sa broadway. malapit na rin siyang mapapanood sa pelikulang “You Don’t Mess With The Zohan” na pinagbibidahan ng supersikat na si adam sandler.

aba’t kahit saan siya ngayon magpunta ay kilalang-kilala na ang bruha! mabuhay ka, ALEC!