Trivializing can be a hard habit to break. Actually, trivializing is the main lifeline of ‘The Buzz’ on 2. From it’s very first airing, there is nothing much to expect from its content, much less the conduct of the jaded hosts we have all learned not to become… ‘yong sobrang tatadtarin ang anumang usapin at pagkatapos ay ginigiling para magmukhang matalino ang show! Basically, star product endorsement show lang siya at kung sakali mang mayroong mga di-kanaisnais na mga usapin tungkol sa industriya at mga artista; palalabasin nilang masusi nilang tinuklas ang pinakakalansay ng kuwento kung saan ang mga ito ay tinubuan ng laman at magkaroon ng inaakala nilang matinong pag-analisa worth shaking you out of your Sunday aftie. Inspirasyon nila ang mga Aling Barang na laging nakatambay sa inyong suking tindahan kung saan ay wala silang iiwanang mahinuhang kabuoan at katuldukan ng istorya. Kapansinpansin ang ganun nilang gawi nang pinalutang nila ang pagkakaroon diumano ng anak si JOHN LLOYD CRUZ. Kung di pa maligasgas ang iyong alaala mukhang ito ang isyu na tinangkang ihain sa madla upang ibenta ang plaptsinang pelikula ng aktor na pinalabas ilang linggo na ang nakararaan. Dapat kasi dinedma na lang katulad ng ginawa ng karamihang abala sa paghahanapbuhay maitaguyod lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya… but, NO! Pinagkaabalahan talaga nilang talakayin ito. Lumalabas na pinagtatanggol pa ni Toni Gonzaga [isa sa mga host at costar sa di naman nakatatawa, ergo nakaaaliw na sitkomsitkuman na ‘home something…’] si JLC bilang malusog na condescending act which they are all so famous for. Obvious din naman kasi sa biglang sikat FB COMMUNITY na THE ELBIE FILES [supposedly Los Banos Laguna-based dahil ang ‘EL-BI’ ang talamak na tawag sa UPLB] na ang mga thread ay pinost ng isang ilusyunada [o ilusyunadong] fan na minsan ay wala ring magawa pero may time. BASELESS ang mga ito dahil kung may katotohanan ay hindi na niya ito pararaanin sa mga pasaring sa nasabing page. Hindi biro ang nararamdaman ng isang anak na pinagkaitan ng pangalan ng kanyang sariling ama kung kaya’t malamang ay sa mga legal forums ito maaring magkaroon ng value. Kung true man na siya ay anak ni JLC , hindi siya dapat ang magpakawala ng mga ganung pasabi kundi ang ina niya mismo; detailing when, where at surrounding circumstances tungkol sa kanyang pagbubuntis… at much better kung sa FACE mismo ni JLC. Hindi naman seguro ipagkakaila ng aktor kung totoo mang siya ay may anak. O ayan ha. At least next week iwas na tayo sa The Buzz para hindi tayo mabiktima ng estasyong nagtataguyod ng pagyuyupiyupi ng kaisipang Pinoy!
Nov
3
2014
Ang pinaka walang kwentang show, The Buzzura! Buti nga at consistent TALO sila sa ratings every Sunday khit sa Kantar nila! Mas gusto pa ng tao manood ng ‘Horror Movies’ sa GMA 7 Linggo linggo kesa pagtyagaan si Kokey, si Panga, at si Loka-loka!
Ang pinaka walang kwentang show, The Buzzura! Buti nga at consistent TALO sila sa ratings every Sunday khit sa Kantar nila! Mas gusto pa ng tao manood ng ‘Horror Movies’ sa GMA 7 Linggo linggo kesa pagtyagaan si Kokey, si Panga, at si Loka-loka!!!