Coco Martin had to go out of his way and appease some sectors who were supposedly offended with his ‘woman on a leash’ act at the Naked Truth Bench show sometime ago. It appears that sensitivity ruled the day and the weight of the alleged dastardly act fell on the popular actors head. The blaming game IS totally off. I was screaming in my thoughts why it wasn’t the female model who allowed herself to spin wheel on stage with Coco merely holding the end of the leash attached to her neck. Siya ang dapat dikdikin ng mga women’s group dahil pinayagan niya ang kanyang sarili na balahurain [if that is the right term] bilang isang babae sa nasabing show. Coco merely took instructions from the director and was the least guilty dahil trabaho lang naman yan. Nakatatawang ang kawawang si Coco ang napagbuntunan sa kontrobersiyang ito. Dapat ay ipinagpaliwanag mismo ang modelong babae [na hindi pinangalanan at mukhang caucasian] kung ano ang umiinog sa kanyang isipan nang pumayag siyang gawin ang nasabing palabas. Is the model a Filipino or an undocumented alien? It just so happened that Martin, being one of the most popular hunk in the industry was the one at the helm. Uncalled for din ang pagrereklamo ng GABRIELA at iba pang women’s group dahil una, nagbayad ang mga nanood at umiikot ang tema nito sa libog na bitbit ng produktong inilalako ng BENCH. Ibig sabihin, iyon ay isang ekspresyon at stratehiya ng kompanya at kung mayroon mang paglabag nito sa moral na paniniwala ng karamihan ay dapat mismo na ring ang BENCH ang pananagutin at hindi ang isang bayarang artista na naatasang rumampa sa anumang estetikong pamamaraan. Tabi-tabi lang po pero nang ipinalabas ang clips ng pinagpilitang paglantad at paghingi ng paumanhin ni Coco ; nakadidismaya ang mga representante ng mga grupong nagreklamo dahil mukha silang mababaho at hindi man lang nag-ayos. Ibig sabihin, hindi nila nirerespeto ang kanilang mga pagmumukha! Malakas din ang naging epekto ng pagPULL OUT ng ilang produktong iniendorso ng aktor sa kanyang paglantad. Tapos heto namang si RICHARD GOMEZ, biglang kung anu-ano ang pinagsasabi tungkol sa pamumulika diumano ng mga grupo, samantalang alam naman ng lahat na alaga siya ng may ari ng pagawaan ng brips at panti na yan… hwag nang ipaalala pa ang malisyosong urban legend sa kanyang pagkakaospital noong kanyang kabataan. Dapat manahimik na lang si Gomez, dahil lalo lang niyang idinidiin ang katotohanang hangin lang talaga ang nasa pagitan ng kanyang tenga!
Oct
8
2014