RE-IMPOSING THE DEATH PENALTY IN THE PHILIPPINES : A Long Time Coming Issue!


lethalinjectionAs news broke on the murder of  Cherrie Pie Picache’s mother , a somber shadow shrouded the local scene.  Heinous as the crime was, natural lang na manlumo ang industriya sa sinapit ng ina ng magaling na aktres.  Imagine naman a helpless 75 year old brutally attacked that snuffed the life off  her ! Grabeh indeed.  Later developments on the case showed that the prime suspects were those who kept the old woman company; which makes the whole scenario bloodier as ever. This is not afterall an isolated case.  Sobrang daming mga ganitong kaso wherein sariling mga kasambahay at kamag-anak ang mga salarin.  For one, ang sikat na couturier/eventologist/trendsetter na si Ernest Santiago ay pinaslang ng mga sarili niyang tauhan; sa tv show na SOCO , halos maya’t maya ay ganun ang mga features nila.  Nakakasindak din naman kasing kung sino pa iyong mga pinagkakatiwalaan mo ay siya palang kikitil sa iyong buhay kapalit ng ilang matatangay na salapi at kagamitan.  Pangangailangan nga lang ba ang nagbubunsod sa mga ganitong sitwasyon? Pangangailangang nang hindi maibigay ng amo/kamag-anak na pinagsisilbihan ay agaran nang may patayang magaganap? Parang malabo naman seguro.  Malamang ay mayroong mas malalalim na dahilan.  Mga kuntil-butil ng mga insidenteng nakapalibot sa isang krimen.  Ayon sa isang pananaliksik, kalimitan sa mga napapatay sa kanilang sariling tahanan ng mga mismong kasamahan ay nagmumula sa pagmamalupit at kasamaan ng ugali ng mga biktima.  Dito tuluyang mababahiran ng kalituhan ang imbestigasyon.  Nagkakaroon kasi ng motibong paghihiganti ; isang motibong hindi mismo nagmula sa salarin kundi sa biktima.  Kung kasong random murder lang o patayang nagkataon lang madali itong maunawaan nguni’t ang paghihiganting may kasamang pagpatay ay lubhang kritikal sa pagtakbo ng kaso.  Dito na muling pumasok ang usaping DEATH PENALTY.  Dapat na nga ba o hindi? Nabigyan ito ng diin nang umepal ang ilang artista na kinunan ng interbyu maliban sa kanilang pakikidalamhati kay Cherry Pie.  Nakasusulasok na bigla na lang silang magbitaw ng mga salitang dapat na raw talagang ibalik samantalang napakatagal na nitong isinusulong nguni’t dahil tayo nga ay isang Kristiyanong bansa ay napakahirap maisakatuparan.  Kailangang napakatibay ng mga puntong ilalahad maliban sa diumano’y kabi-kabilang heinous crime incidents.  Madaling magsalita nguni’t ang isyung ito ay nangangailang seryosuhin at hindi pampadagdag balita lang sa mga network news.  Ang sagot sa katanungang dapat nga bang ibalik ang DEATH PENALTY sa pamamagitan ng lethal injection [dapat electric chair para masakit] ay : ‘OO, KAHAPON PA DAPAT!’.  Ang pagsasabatas sa bitay bilang parusa sa mga taong gumawa ng matinding krimen ay hindi lamang para sa mismong kriminal kundi para sa lahat upang sa bawa’t karahasang ating kasusuungan ay naroon ang pagmatyag sa kahihinatnan ng ating mga gawi.  Nguni’t sa kabila ng lahat ito, it is utterly necessary that we build strong family values to inspire members of society to properly process their thoughts and decisions in a way that prosperity, peace and spiritual contentment is easily achieved a lifetime in this planet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s