BILLY CRAWFORD : MISDEMEANOR AT THE PRECINCT


Billy Crawford : Troubled Unstar

Billy Crawford : Troubled Unstar

Early Sunday morning  while your dateless self settle for some latebreaking news dispatch you are suddenly hitched up to the ceiling as a flash reveals that former child actor/aborted international star/singer-host/ham actor/Nikki Gil’s ex BILLY CRAWFORD broke some glass and allegedly punched a lady enforcer on the face at a Taguig police station.  Ganun ka klaro ang balita at hindi ka naman nagtaka dahil mukhang likas naman sa isang mistisong bangus ang pagkakaroon ng di-kaiga-igayang episodes sa kanyang buhay.  Kinabukasan nakapagtatakang hindi man lang pinagpyestahan ang balita.  Nakakadyahe kasi.  Biruin mo ba naman na isa na naman sa mga hosts ng ‘IT’S SHOWTIME’ ay havey ng kaso.  Tama nang nambastos si Anne Curtis sa Prive ; Nabugbog si Vhong Navarro sa condo; ikinatuwa’t pinagkaila si Vice Ganda ng kanyang jowajowaan… but Billy Crawford wrecking havoc at a Police precinct?  That is too much naman.  Well, sa interbyu kay Crawford, pawardi-wardi nyang sinabi na ‘i drank a little [or a few?] alcohol’ ; eh paano pala kung ‘i drank much’?  At kaya raw siya pumunta sa presinto upang makiusap na ‘i-detain’ muna siya para hindi raw siya makapanakit ng kapwa at ng sarili.  Ah, so meron siyang ANGER MANAGEMENT problem?  Ang pagkakaalam ko kung ang isang tao ay hindi na makayanan ang galit at conscious siya sa maari niyang gawin ay sa simbahan siya pumupunta for some solace and deep meditation.  Hindi sa presinto.  Kung sa presinto at celebrity ka, maliwanag na nagpapansin ka.  At kung nagbasag ka pa at sasabihin mong hindi mo matandaan ang ibig sabihin ay ang lahat ng sinasabing nagawa mo ay TRULALILALILALUSH.  So maliwanag na hindi pa nakapagmove on si Crawford at kasalukuyang nginunguya pa rin ng kanyang private demons ang kanyang konsensya.  Marahil ay napapanahon nang papagpahingahin muna ng mga network ang mga tiwaling artista dahil hindi sila nakapagdadagdag ng mga audience bagkus ay napagbibintangang kunsintidor dahil sa patronage.  Umayos kayo.

By eklavumer Posted in 2Cents

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s