In an imperfect world are imperfect bashers who lurk for their next victim. Ganun ang nangyari kay MININIO BUHAT kung saan ay pinagpiyestahang tuligsain, daut-dautin at ipaghampasan ng mga madunong na netizens dahil sa inosenteng post niya sa kanyang FaceBook timeline:
[July28] Just Got Home from School and Mcdonald’s Gil Puyat. Good time for experience life right way for your college most than past since high school how to process even itself grow knew already realization life high school from college. Seem bad person or good person by whom trust to be care yourself and didn’t try anymore.#Rest#KeepSafe#GodBless#iLoveyouAll#GoodEvening … Inosente ang dating dahil ito ay kanyang personal na pananaw ukol sa kasalukuyan niyang estado. Mininio is a student of St. Therese of the Child Jesus Institute of Arts & Sciences and formerly of De La Salle College of St. Benilde and The Philippine School of the Deaf. There. These schools are on his profile and with the school of the deaf listed on it, one should have been sensitive enough not to rip the status off its place and sprinkled it out into a wider field where unkind people thrive on other people’s weaknesses. It should be understood that in Mininio’s world of silence, words are deconstructed in such a way to coincide with the sign language. Their way of communicating is respectable and borders on telepathy. Kakaiba nga ang kanilang paraan upang maitulay ang kanilang mga saloobin kung kaya’t hindi na dapat pang kutyain katulad ng nangyari sa kanya. Magsisilbi sana ang kaganapang ito upang mas lalo nating palawakin ang ating mga hiram na karanasan ukol ating pangsariling pagtatawid na isip sa isa’t isa. Bago tayo sumugod at mangutya ay seguraduhing mapangangatawan ang kahihitnan nito. Bukas ang timeline ni Mininio at kung babasahin ang kanyang mga postings ay mabibigyan tayo ng kaparaanan upang unawain ang ating mga kalahing nabubuhay ng masaya sa kanilang tahimik na mundo. Mabuhay ka Mininio!
N.B. Sinubukan kong magPM kay Mininio Buhat at tinanong siya kung isa siyang beki for record purposes nguni’t hanggang ngayon ay hindi pa niya ako sinasagot. Ayon sa kasi sa aking nakitang mga fotos niya malakas ang aking kutob na isa siyang transdresser na tulad ko kung kaya’t nirefer siya bilang ‘she’ sa isang news dispatch.