Katulad ng mga nakaraang panahon, I have always asked myself kung bagay ba sa kulturang Pinoy ang kalakaran ng isang BigBrother House. Is this the perfect venue to search and launch stars by way of pre-selling them in an unflattering [?] way?
Mga katanungang lubhang nakakakiliting isipin dahil mistulang ginagawang isda sa akwaryum ang mga nasa loob. Ginigisa sa kanilang mga sari-sariling pawis at katangahan; tinitinola ang kanilang mga kasarian at higit sa lahat ay iniihaw habang nakaladlad sa lahat ang kani-kanilang mga pinanggalingan. Malimit sa hindi ay negatibo ang mga nagiging imahe ng mga nasa loob. Idagdag pa ang nakawiwindang na pananalita ng isang baklang nagpapakalalake na kung tawagin nila ay KUYA. Ano ang tunay na pangalan ni KUYA? Wala. Kunwari diyos-diyusan siya ng mga uto-utong nangangarap magkamilyones habang isinasalang ang kanilang kagandahan at kapangitan sa madla. Kasalukuyan pang tumatakbo ang pinakahuling edisyon nito sa telebisyon at marami na ang nakahuhula kung sino ang mananalo , sino pa kundi si DANIEL MATSUNAGA! Hindi ‘yan Pinoy ha pero trip na trip yan ng isang dilaw na pokpok sa ating lipunan. Sinasabing mayroong matinding pagnanasa ang pokpok na ito kay Daniel kung kaya’t ginagamit nito ang kanyang mga galamay upang seguraduhing mananalo ang Brapanese model. Kung mayroong mga ganitong kaganapan, sino pa nga ba ang magtitiwala sa kalakaran ng mga reality shows? Sino pa, kundi sila-sila na rin. Echosin nyong pwet nyo!
hindi na yata kay Daniel nagwawater-water ngayon iyong dilaw na harot