DRAGGING DRUGS INTO THE LIGHT


artwork : paulhroquia

artwork : paulhroquia

The most alarming news to settle right into my navel last week was on drugs.  Allegedly , some enterprising Filipino fostered alliance with the Mexican drug cartel and expand their business in the country!  Horrible!  Imagine how many zombies will be spawned into our midst with a non-stop supply of drugs!  Years back I did a piece on the matter and blogged it on Anchafluconchuchu. Now , as I revisit its inactivity I felt that I should share it here too in a throwback manner for whatever it is worth!

sayad sa baga : mashabung usapin

 Sa abot ng aking alaala, humigit kulang na sa dalawampu’t tatlong taon nang namamayagpag ang deoxyephedrinemethmethamphetaminemethamphetamine hydrochlorideMethedrinechicken feedcrankchalktrashglassice,amphetaminepep pillupperspeed o mas kilala sa katawagang SHABU, SURU, BATO, SHARON, BASURA, ITEM at iba pa depende sa lugar at uri ng lipunan sa bansang ito. Syempre, talamak din ito sa katawagang POOR MAN’S COKE o COCAINE. Bagama’t matagal na rin itong paborito ng mga adik sa urupa’t amerika, umarangkada ang kasikatan nito noong kasagsagan ng people’s power. Dahilan marahil sa matinding pagbabagong naganap sa kalakaran ng gobyerno, halos hindi napagtuunan ng pansin ang pagdanak nito sa halos bawa’t sulok ng kamaynilaan na pinagtripan naman sa anumang antas ng buhay. ‘Bagong’ paninda raw sabi ng mga tulak na dati damo o marijuana lang ang dala. Swak raw sa mga mahilig gumimik sa gabi at walang raw talagang tulugan ang makakahigop nito. Okey rin daw ito sa mga gustong magpapayat dahil walang takam o gutom na darating sa gagamit nito.Ganun ang mga sales talk nila sa mga medyo nag-alangan subukan ito. Idagdag pa ang sobrang abala ng paraan upang ito ay ma-enjoy; biro mo kakailangan mong mag-plantsa ng pahabang pilas ng foil ; i-latag ang bitak-bitak na droga at isalang sa gawa-gawang burner na tisyung binilot pahaba o lighter na tinarakan ng mariing binilog na foil… hihigupin ang ipapatakbong ‘bato’ pabalik-balik gamit ang foil straw o glass pipe o waterpipe. Talagang pang-ritwal ang dating ng pagtira ng drogang ito na sa malaon ay nakasanayan na rin ng mga na-adik dito.

 Nakapanghihinayang ang maraming buhay na winasak nito. Hindi lamang ng mga gumamit (at gumagamit pa hanggang ngayon) kundi mas lalo ng mga taong nakapalibot sa mga ito. Matinding mga kasaysayan ng mga naunsyaming kinabukasang naudlot; naparaya’t nalugmok sa dusang mga pangarap at ang iba naman ay tuluyan nang kinuha ni Lord … Marahil kung may matinding batas na ipinatupad kaagad noong kapanahunan ni dating pangulong Cory, iba ang naging takbo ng kuwento ng drogang ito sa kamalayang kayumanggi. Medyo naasiwa rin ang rehimeng Ramos sa usaping ito; at higit na yumabong ang kalakalan nang saglit na pagkakaupo ni Estrada. Ngayon , sa masinop na pangangalaga ni tita Gloria, masasabing nabigyan ng pangil ang mga alagad ng pagsugpo nito dahil lantaran nang natutukoy ang mga pinamumugaran ng mga walang kaluluwang naglalako ng panunaw-katinuan sa kalakhang mundo ng naghihikahos na bansang Pilipinas! [Sa kasalukuyan , mistulang playground ng mga drug-traffickers ang Pilipinas dahil sa lelembot-lembot na mga patakaran sa pamamahala ng isa pang sinumpang Aquino!-aa]

TULAK
hayun siya sa bilyaran,
minsan nasa tambayang tindahan,
kung mahiyain nama’y nasa bahay.
mamang payat, nangungulamata.
aleng tabain, mata’y dilat na dilat.
maya’t maya’y may lumalapit.
maya’t maya’y may hinihigit.
kaliwaan lang ang usapan, pag-abot
ng pera’y dadaupin ng palad
at kung mamalasin, o-lat
sa o-sip kaya
rumekta ka na lang
sa pulis!

paul roquia 2001

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s