” B A S U R A “


pizap.com13739474344401PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART heart throb JEROME PONCE posted this warm and touching vignette on his FB wall , Aliwan Avenue finds this really hitting the nerve where the blood of blessedness runs through : “Habang nakasakay ako sa taxi… masaya kaming nagkukuwentuhan ng driver… nang may biglang tumawid sa aming dinadaanan… hindi agad nakapreno ang driver… pero iniwasan niya ito para hindi mabangga ang tumawid… at sa di inaasahang pagkakataon… may kasunod pala kami na mabilis ang takbo… at muntik na niya kaming mabangga… Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama… pero bumaba ang driver na muntik ng bumangga sa amin at pinagmumura niya ang katabi kong driver… Ang ipinagtaka ko lang… hindi ko kinakitaan ng galit ang katabi kong driver… sa halip nakangiti pa rin ito at panay ang hingi ng paumanhin… at higit sa lahat yung taong tumawid na pinagmulan ng lahat ay tinanong pa ng katabi kong driver kung OK lang ba ito… at sinabihan pa na mag ingat ka sa pagtawid… sa mahinahong salita at may ngiti sa labi… at nagpatuloy ang aming paglalakbay… Tinanong ko ang driver kung bakit hindi siya nagalit at kung bakit hindi niya pinatulan yung taong nagmura sa kanya…

eto ang sagot niya…..

” alam mo masyadong maikli ang buhay para lang ilaan natin ito sa lungkot at pighati… dapat magpakasaya tayo… iyon naman ang gusto ng bawat isa sa atin ang maging masaya… ang mga PROBLEMA, LUNGKOT, INGGIT, SAMA NG LOOB, HINANAKIT, at GALIT ay para yang mga BASURA… dala-dala ng bawat isa sa atin ang mga basurang yan… at minsan itinatapon at inilalabas yan ng tao… so kung minura man niya ako kanina, ibig sabihin itinapon lang niya mga basura sa akin… eh bakit ko naman iyon pupulutin… hindi ko naman siya kailangang patulan… ayokong mapuno ako ng basura at mabulok ang pagkatao ko… Dapat kasi pinupuno natin ang ating sarili ng mga magaganda at masasayang bagay… hindi tayo dapat nag-iipon ng basura at lalo na huwag mong dadamputin ang mga basurang itinapon na ng iba.”

Please SHARE

One comment on “” B A S U R A “

  1. Pingback: silipin ang Happy Aquarium | Valenzuela Gay Guy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s