PAG-IBIG NG ISANG INA …


mother&childMula sa FB Wall ni Fhejhe Pasalgon at ishinare naman ni James Raymond Matibag ay ang vignette na ito na bagama’t dapat ay lagi nating isinasapuso ay minarapat kong idikit dito hindi lamang dahil sa malalimang aliw na dulot nito kundi ang paalala sa lahat na ang pagmamahal ng isang ina ay walang katapat na kabayarang materyal :¬†Sembreak. Tumakbo ang bata sa kanyang ina na naghahanda para sa kanilang hapunan sabay abot ng isang pirasong papel sa ina na kanina pa niya sinulat pagkatapos gawin ang mga inutos ng ina sa kanya. Pinahid ng Ina ang basang kamay sa apron at binasa ang sinulat ng Anak:

Sa Pagbubunot ng Damo: P5.00
Sa Paglilinis ng Kwarto: P10.00
Sa Pag-utos sa pagbili ng Asin sa Tindahan: P5.00
Pagbabantay kay bunso habang namalengke ka: P5.00
Sa Walang Bagsak kong Report Card: P10.00
Sa Paggising ko ng Maaga at Pagiging masunurin: P15.00

Total lahat: P50.00

Napatingin ang Ina sa anak na naghihintay sa ibabayad niya. Napaisip, sabay sulat sa likorang papel. Pagkatapos magsulat, ibinalik niya sa Anak ang papel:

Sa 9 na buwan kong pagtitiis na dalhin ka sa aking sinapupunan 
habang lumalaki ka: WALANG BAYAD
Sa mga gabing tiniis ko ang puyat para lamang bantayan ka pag may sakit at nagdarasal na gumaling ka: WALANG BAYAD
Sa mga luhang pumatak kapag matigas ang iyong ulo at pawis sa trabaho para lamang may maibaon ka sa eskuwelahan: WALANG BAYAD
Sa lahat ng laruan, damit, pagkain at pagpupunas sa sipon mo.: WALANG BAYAD
Sa aking pagmamahal sayo mula noon, hanggang sa mga oras na ito at hanggang sa huling hininga ko: WALANG BAYAD
Anak, pag tinotal mo to lahat, Ang aking pagmamahal sa’yo, WALANG BAYAD.
Binasa ng musmos na bata ang sinulat ng Ina. Napaluha ang bata at napahagulhol. Ngayon NAIINTINDIHAN NA NIYA. Tumingin sa Ina, “Ma, salamat sa lahat!”
Niyakap niya ito at hinalikan. Kinuha ang panulat at sinulat sa harapang papel na kanyang nilista kanina: FULLY-PAID. :’)

THE END.

(HINDI ko po matukoy kung sino ang gumuhit ng obrang ginamit dito at kung may nakakaalam kung kaninong gawa po ito ay mangyaring mag-comment upang mabigyan natin ng kaukulang pagkilala. Maraming salamat po.)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s