DANIEL PADILLA : GALING SA LUSAK!


danielpadillaInamin ng superhot na, supersikat pa ngayong si DANIEL PADILLA na nanggaling sila sa lusak at ngayon ay nakaahon na.  “Talagang naghirap kami before. At nakita ko ang talagang hirap na hindi lang basta-basta,” Dala-dala ng binata ang dagok ng kapalaran sa kanilang mag-anak kung kaya’t sa kanyang pagsikat ay napawi na ang lahat ng kanilang paghihikahos. “Noon kasi wala akong naitutulong sa amin. Nakikita ko ang mother ko na gumagawa ng paraan para kahit paano maibigay niya yung ilang pangangailangan namin. Wala talaga akong magawa ng mga panahong iyon,” dugtong pa niya. Hindi naman kasi naitago sa madla na solong binuhay ng kanyang inang si Karla Estrada silang magkakapatid at nabaon pa ito sa utang.  Ngayong nakalaya na sila sa lusak na kanilang pinagsaluhan noon ay ipinapangako ni Daniel na nungka siyang magpapabaya sa kaniyang mga responsilidad at sisikaping lalo silang umunlad na mag-anak. Sana ay maging inspirasyon ang buhay ng batang aktor sa mga taong minsan ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay; na ang lahat ng sigalot ay dinadaanan lamang at nasa masigasig na pagpupursige ang susing matakasan ito!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s