Humigit kumulang 30 years na kaming magkaibigan ni Liz. Friends as in. Sa lahat ng pinagdaanan niya sa showbiz at personal na buhay hindi ko ba malaman kung bakit lagi akong naroon sa tabi-tabi ng mga pangyayari. May sad times at sobrang nakakabahalang mga pagkakataon na tanging ako lang pala ang nakadarama! Nguni’t ang lahat ng unos nga naman ay humuhupa at ngayon ay masaya ako at sobrang happy naman ang donya sa piling ni Tito Benny Kho. Nagmature na rin si Liz pero yaong pagkachild-like namin ay retained para sa isang masigabo at masayang chikkahan tuwing kami ay magkasama. Minsan nga ay nakakalimutan ko na isa siyang artista dahil sobrang down-to-earth siya at walang kyeme. Kaya naman ay napagpasyahan ko na ijoin siya dito sa ‘Then&Now’ bilang pagbigay pugay sa kagandahang nagbigay ningning sa industriyang kanyang niyayakap hanggang ngayon. Naka-capture ako ng magandang anggulo sa kanyang guesting sa MARS sa NewTv11 at tinabi ko sa larawang naglunsad sa kanya bilang isang bituin noong unang bugso ng dekada 80. Lately nakagawa siya ng ilang indielikula katulad ng ‘TULAK’ , ‘HIV’, at ‘TALO TABLA PANALO’ ni Buboy Tan at ‘ANG MISIS NI MEYOR’ ni Archie del Mundo.
Mula sa IMDb, narito ang kanyang Filmography:
Bernadette’s Mother / Imelda’s Nanay / Mama ni Anna / …
Carmen Mosqueda
Isabel
Elma
Helen
Liz
Cita
Janus
Monica
Girlie