ALJUR ABRENICA : ABG VICTIM!


pizap.com13647894648231NEWSFLASH :  Tulad ng inaasahan, sinamantala ng mga magnanakaw ang mahabang bakasyon ng residente nitong Holy Week, para looban ang bahay ng isang talent ng GMA network, isang money remittance center at isang tindahan ng beauty products, kung saan natangay ang may kabuuang P800,000 cash at gamit, sa lungsod Quezon. Nagulat na lamang ang aktor na si Aljur Abrenica, 23, ng GMA Artist Center, sa kanyang bahay sa Sct. Fernandez St. sa Brgy. Sacred Heart na nawawala ang aabot sa P600,000 halaga ng cash, jewelry at high-end electronic devices, nang makabalik na sila ng kanyang pamilya nitong Sabado mula sa pagbabakasyon. Sinabi ni Abrenica sa imbestigador ng Quezon City Police District (QCPD) Ka­muning station na iniwan nila ng kanyang pamilya na nakakandado ang pintuan ng kanilang bahay nitong March 27 (Holy Wednesday) ganap na alas-5 ng hapon para magbakasyon. Pero pagkabalik nila, ganap na alas-3 ng hapon nitong Sabado, sabi ni Abrenica, ang main door ay nakabukas, at sa pag-inspek­syon sa kanilang kuwarto sa ikalawang pa­lapag ay nabatid na sinamsam ng mga suspect ang kanilang mga mahahalagang kagamitan. Ayon kay SPO1 Jose Soriano, may hawak ng kaso, ang lock ng main door ay bahagyang nakabukas, at ang kabuuan ng ikalawang palapag ay nagkalat ang mga gamit na parang naghanap pa ang mga magnanakaw ng importanteng bagay na maaari nilang makuha mula sa tatlong kuwarto. Nawawala kay Abrenica ang P150,000 cash; US$800 (tinatayang nagkakahalaga ng P32,644); P250,000 halaga ng alahas; gayun­din ang dalawang laptop computers at apat na high-end mobile phones na may kabuuang halagang P135,000.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s