
ALESSANDRA DE ROSSI, BEST ACTRESS : 1ST ASEAN International Film Festival
Malugod na ipinarating ni Mell T. Navarro sa members ng kanyang FB Philippine Entertainment Guide group na apat ang nakupong awards ng ating mga kababayang na-nominate sa iba’t ibang awards sa ginanap kahapong 1st 1st ASEAN International Film Festival (AIFF). Ito ay ang mga sumusunod : “Sta. Niña” , Best Picture/ Drama; ALESSANDRA DE ROSSI , Best Actress (Sta. Niña); ANITA LINDA ,Best Supporting Actress ( “Alagwa”), at ang child actor na si BUGOY CARINO , Best Supporting Actor ( “Alagwa”). Kasama si Mell sa delegasyon dumayo roon upang saksihan ang event. Bagama’t inasahang mananalo rin si Jericho Rosales para sa kanyang pagganap sa ‘Alagwa’ , naungusan siya ng katiting na points ng pinalad na tanghaling best actor. Ginanap ang awards night Marso 30 sa Borneo Convention Center in Kuching, Sarawak, Malaysia. CONGRATULATIONS!
Related articles
- Alessandra de Rossi, Anita Linda win in Aiffa (entertainment.inquirer.net)