Kung wala na kayong mabiling walis-tambo sa alin mang palengke, malamang ay dahil pinakyaw na ang mga ito at ginamit sa reception scene ng ‘THE BRIDE AND THE LOVER’! Joke. Kapansinpansin kasi sa trailer ang mga ito in the midst of a flirtatious notion na may value ang kwento at kabuoan ng mainstream movieng mula sa Regal Entertainment. As usual simple lang naman ang kwento : Nariyan ang pakikipaglampungan ng mga bida sa isa’t isa ; pagsasabunutan dahil sa isang nota; mga linyang puedeng isabit sa hangin na parang mga butas na panty at higit sa lahat ang parang copy-paste na mukha ni Carmi Martin mula sa ‘No Other Woman‘ at dinub ang sarili, choz~~~. Maari ka ring magpantasyang kamukha mo sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado dahil halos perpekto ang make-up design nila! Ang ganda at superglossy ang dating! Idagdag of course ang katilamtilam na presence ni PAULO AVELINO na sa boses pa lang ay parang sunud-sunod mong mararating ang lunggati na walang pigtal hanggang himatayin ka. Kaabang-abang din ang pagganap for the first time ni HAYDEN KHO na ayaw magpasight ng kanyang ari kahit may bayad! Choz… uli! Well, dahil Labor Day at walang pasok mukhang papatok naman ang pelikulang ito ni Joel Lamangan.
Related articles
- !9-Inch Bride & Groom Engravable Pewter Wedding Plate (9inchbrideengravablepewterweddingp2sale.wordpress.com)
- #@!$ #!! Mother of the Bride Suit from DVC Exclusive 15080 Update Now (suitwomensale.wordpress.com)
- Bride to Be Tips (romanticbrides.wordpress.com)