Wala lang. Mahilig lang akong maglaro ng mga salita. Kahit minsan ang mga ito ay walang katuturan , kamuwangan o katotohanan. Basically, ganun kasi talaga ang buhay. Lagi kong sinasabi sa inner self ko na : ‘ Minsan lang ang karanasang ito. Ang lumangoy mula sa malapot na mundong-sinapupunan palabas sa daigdig na walang katiyakan at ang tanging sandata lamang ay kagandahan ng loob upang malipol ang sumasagabal sa itinatadhana ng iyong nag-iisang panahon!’ Malikot man ang aking imahinasyon, lagi ko ring ipinaalala sa nasumpungan kong mga araw na nararapat lamang na matukoy natin ang dahilan kung bakit tayo kinapal at kung ano ang dapat nating maging papel. Sa kalalilaliman ng pinaghuhugutang katanungan ng bawa’t isa ; isa lamang ang aking maibulalas na kasagutan : GAWIN SA BAWA’T PARAAN ANG PANININDIGANG PANGALAGAAN ANG BANAL NA KALIKASANG HANDOG NG DAKILANG MANLILIKHA! Hindi ba’t ang lahat na halos ng ating mga suliranin ay ating natutukoy mula sa pagsalanta ng sangkatauhan sa ating planeta?
Mar
27
2013