Komo kwaresma medyo iwas raw sa laman as in baboy , baka among other flesh (flesh???). Sa aking kaharian, talagang bihira nang masayaran ng laman ang aking mamahaling cookware dahil syempre nagkakaedad na kami ng LolaJoji ko. Feeling healthy cooking lang lagi ang peg. So sa aking pamamalengke kanina , bigla akong nataranta sa super-laking MAYA-MAYA dahil yummy itong i-tinolang Bisaya. Simple lang naman ang rekados at paraan ; pakulo lang na tubig tapos put ng lemon grass o tanglad, bell pepper, leeks, at kamatis. Tapos hayaan lang for a while. Then, ilagay na ang Maya-Maya… kapa’g luto na ito (saglit na pagkulo), ibudbod na ang malunggay. Syempre nasa iyo na ang seasoning tulad ng asin at paminta. Laid back lang ang lasa at dahil fresh ang isda, malalasahan mo ang dagat in a good way! FangLaHeyHey Na!
Related articles
- The Consequences of Wine-tasting Part 2 (excessbaggageuniverse.wordpress.com)