DitoNaTayoFOREVER : Bitaog Beach, Palumbanes Island, Caramoran, Catanduanes!


Mahigit dalawampu’t pitong taon na akong nakapasyal sa isla ng Palumbanes, bahagi ng bayang Caramoran sa lalawigan ng Catanduanes.  Bagama’t burado na ang ilang alaala sa byaheng iyon, hindi ko kayang limutin ang yumi at makapigil-hiningang ganda nito na wari ko’y hinubog mula sa isang natatanging sandali ng matalinhagang pagkumpas ng Manlilikhang Banal. May kalayuan ito kung tutuusin dahil ito nasa hilagang bahagi na ng Catanduanes. Ang saya ng pakiramdam ko nang mabungaran ko sa FB page ng Legazpi City ang larawan ng BITAOG BEACH sa Palumbanes. Kung hindi ako nagkakamali ay bumyahe ako ng humigit kumulang apat na oras mula Virac papuntang Caramoran at sumakay ng di-motor na bangka papuntang isla sa loob ng halos isang oras.  Mukhang hanggang ngayon ay napanatili ang natural na kariktan ng lugar at hindi ko na mahintay pa ang oras na muli akong makapasyal doon. 

Note: Huwag malito: ang CARAMORAN ay sa Catanduanes, samantalang ang CARAMOAN ay nasa Camarines Sur…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s