Sa gitna ng pinaglalamayan nguni’t walang kamatayang sigalot sa buhay ng isang HighProfileKeps (HPK) dahil sa diumano’y tangkang paglapastangan sa kanyang laspag nang reputasyon ng ama ng kanyang bratilitong anak; hindi maiwasang sumingaw muli ang ilan sa kanyang mga iniwang panghi ng nakaraan. Mula sa malayong lungsod sa katimugan kung saan nagmula ang isang VeryPromisingTv Reporter ay agarang lumutang ang isang katotohanang sangkot si HPK. Nang hinila ng kanyang network ang nasabing VPTR upang maging bahagi ng kanilang national news team, marami agad ang pumansin dito hindi lamang dahil sa kanyang malagong na boses at istilo ng reportage, kundi dahil sa angkin nitong kakisigan. Pogi sa dilang Pogi si VPTR kung kaya’t naging apple of the eye siya ng ilan niyang kasama sa trabaho at syempre ng kanyang mga instant tagahanga. Entonces, biglang sikat siya nguni’t naging shortlived dahil hindi nagtagal ay sari-saring paninira ang dumapo sa kanyang imahe. Naroong naging drug addict diumano ito; nagbigay ng pekeng report; naging pabaya sa trabaho at nagkaroon RAW ng Ate Tuding as in ATTITUDE. Kamalas-malasa’y tinanggal siya sa network nguni’t nagkatrabaho rin naman sa ibang media outlets. Maraming nag-akala na ganoon na nga siya dahil napakabagsik ng pangyayaring siraan siya ng bonggang-bonggang-bongga (superlative intended). Ang totoong nangyari pala ayon sa isang mismong family friend ng kawawang VPTR ay si HPK. Yes, nang masilayan pala ni HPK si VPTR ay instant itong nabighani at na-OBSESSED! Hindi niya tinantanan: gumamit siya ng mga tao sa network mismo upang pag-krusin ang kanilang landas; naroong bigla na lamang na nasa paligid si HPK at nagpapakyut sa lalake. Syempre, flattered naman si VPTR, nguni’t hindi makayanan ng kanyang prinsipyo na gawing parausan ng isang kilalang manyak sa industrya. Sinubukan niyang kausapin ito upang ipaliwanag na siya (VPTR) ay mayroong simpleng mga pangarap at noon ay nasa isang seryosong relasyon sa isang matinong babae mula sa kanyang lugar. Nagpumilit pa rin si HPK , pero matigas talaga siyang tinanggihan. Doon nagsimulang pagapangin ni HPK ang kanyang impluwensya sa network nila na malaki ang tinatanaw na utang na loob sa kanilang pamilya. Nagwawala ito at hindi tumigil hanggang hindi maramdaman ng lalake ang ngitngit ng kanyang pagkasawi. SO , ayon na nga biglang nawalan ng trabaho , siniraan pa at halos pugutan na ng ulo si VPTR. Hanggang ngayon ay hirap pa ring bumawi sa kanyang estado sa industriya si VPTR. Kawawa siya… dahil sa kalandiang hindi pinatulan nagkaleche-leche ang buhay niya sa malaking lungsod! ALAM NYO NA ‘YAN!
Mar
24
2013
THIS IS VERY TRUE! poor guy! pero mas poor guy siya kung pinatulan niya ang PAMBANSANG MANYAK!
lakas talaga ng powers ni pambansang kepyas, don’t worry poor guy karma is just around the corner and it seems it’s coming sooner than later..
aljo bendido + krispyas… hahaha. trulalo raw. e yung sa basketbolista na tumanggi rin sa kanya (alvin patrimonio)?