HEART EVANGELISTA : JUST ANOTHER TIMANG IN LOVE!


timangSinakyan. Pinaharurot. Sinawsawan ng lokal na media bilang isang nakababagabag at alog-tutuleng balita ang pagtutol ng mga magulang ni HEART EVANGELISTA  sa relasyon nito kay senador CHIZ ESCUDERO.  Matigas ang kanilang panawagang huwag nang pakialaman pa ng senador ang kanilang anak.  Mayroon pa silang mga pasabog na si Escudero diumano ay lasenggo at bagras ang pag-uugali.  Meron talagang video interview ang parents ni Heart na sina Liver at Pancreas (CHOZ~) na para bagang target ang Pilipinas ng isang missile attack.  Parang hindi nila alam na sa tandang bente-ocho ng kanilang patpating anak ay malaya na itong pumili kung sino ang gusto niya.  Maari na ring itong magpakasal kahit walang basbas mula sa kanila. Meaning, she is her own person and interfering with her personal life is deemed inappropriate.  Eh ano naman kung lasenggo at bagras si Chiz? Di ba mas magandang maranasan naman niya ang tinatawag na LIFE IN THE PITS? Bilang isang artista, mas maganda yaong malalim at totoo ang pinanghuhugutan ng emosyon sa kanyang mga papel na gagampanan.  Meron ba namang perpektong titi sa panahon ngayon? Hello? Mahadero’t mahadera lang ang peg?  Heto nga at hindi pa natin lubusang natanto ang tunay na kaganapan sa Atimonan at clueless kung ano ang nangyayari sa Sabah, bubulabugin tayo ng ganitong kababawan? Ito namang mga news sources, sumakay agad? Dapat kasi matinong binabalanse muna kung may katuturan ang isang kwento para maging isang balita.  Hindi balita ang namamagitan kina Heart, Chiz, at mga Ongpauco… ito ay isa lamang isolated case ng isang TIMANG IN LOVE!

One comment on “HEART EVANGELISTA : JUST ANOTHER TIMANG IN LOVE!

  1. totally agree…hindi lang timang in love kundi nakakaawang timang…so sad ang history ng heart na ito…from jerciho to daniel matsunaga…ang dating parang sabik siya sa pagmamahal at attention(malala pa sa isang bakla)…more than anything else,this girl needs psychiatric referral

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s