FangLaHeyHey Espesyal : SPINACH SALAD!


xiximaturanspinachsaladMatagal ko nang paborito ang SPINACH, hindi dahil sa ito ang pampalakas ni Popeye kundi dahil sa may kakaiba at kanasanasa itong lasa.  Ito yaong tinatawag na ‘kulitis‘ sa tagalog.  Bagama’t tinatawag ring spinach ang saluyot, alugbati at kangkong, ang aking paborito talaga ay ang totoong spinach.  Nabibili itong hugas na at nakaplastik sa mga supermarket (sa Robinson’s ko lagi itong nasusumpungan).  Ang ginagawa ko dati rito ay igisa lang sa bawang at hoisin sauce at konting sesame oil. Nguni’t dahil summer na, gumoggle ako kung paano ito gawing salad.  Marami ring recipe akong nakita at mula roon ay naging creative na ako.  Pinunit ko into bite pieces ang dahon ; humiwa ng maninipis na red onion rings; nag-abalang magpahardboil ng itlog (syempre hiniwa after)  at dahil mayroon pang green apples sa ref, jinoin ko na rin!  Simple lang ang vinaigrette ala Xixi Maturan : suka, asukal, asin, konting pinakurat, shredded na isang clove na bawang, paminta , tubig at olive oil. O davah? Puede nyo rin itong i-try for a wonderful summer lunch! 

3 comments on “FangLaHeyHey Espesyal : SPINACH SALAD!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s