JOHN LLOYD CRUZ : DRAMA QUEEN!


pizap.com13636815666451Napautot bahagya si Mrs. Bugrita Misomiso (Chiririt’s mother) noong Linggo ng hapon habang pinapanood ang interbyu kay JOHN LLOYD CRUZ ng isang baklang kalbo sa telebisyon.  Napautot sa katatawa dahil hindi niya inasahang mapaiyak ang aktor habang pino-promote ang ikatlong serye ng mga pelikula nila ni Sarah Geronimo na ‘It Takes A Man & A Woman’.  Kasabay sa pag-alingasaw ng bantot ng pinakawalang hangin mula sa kanyang katawan ay napahikab ang ale dahil ayon sa kanya ay lasing diumano si JLC.  Aniya, hindi tinatawag ng pagkakataon ang umeksena ng ganun ang binatang nakakalbo na rin dahil ito ay nakapagbibigay ng masamang senyales sa mga makapanood sa kanya. Lalo na’t ang karamihan ay mayroong fan mentality na ang tingin sa kanilang mga idolo ay dyos-dyosan. Sa pagtalakay ni Lloydie (close lang ang peg) tungkol sa kanyang pagnanais na lisanin na ang magulong mundo ng pagkukunwari, pagsisinungaling at false euphoria , kahinahinalang mayroon siyang mga nais ipahiwatig.  Ang mga ito ay : 1. Hiwalay na o nagkatabangan na sila ng katipan niyang si Angelica Panganiban ; 2. Sawa na siya sa publikong buhay na nasa ilalim ng magnifying glass at konting pagkalagas ng bulbol ay napapansin ; 3. Mayroon siyang pinagdadaanang psychological glitch tulad ng pagkaadik sa alak o anupaman ; 4. Nagsasawa na siya sa mga pagmumukha ng mga nasa showbiz lalo na sa kanyang home studio na sobrang ginagatasan ang kanyang talento hanggang sa makapiga ng dugo at 5. Never niyang pinangarap na maging artista at aksidente lang ang lahat na mapadako siya sa mundong pinamumugaran ng mga buntot at sungay na nakangiti.  Pumili na lang kayo. CHOZ!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s