Taun-taon hinihikayat ang lahat na sa isang oras ay huwag tayong gumamit ng kuryente. Isang oras na puno ng pagmumuni-muni at pagbibigay pugay sa kagandahang hatid ng ating tahanang planeta. Una’t higit nating panatilihing nakasara o nakababa ang ating main switch. Maghanda tayo ng katamtamang liwanag mula sa gasera o kandila na nakalagay sa lugar na di natin (o ng ating mga alagang hayop) masasagi upang maiwasan ang sunog. Kumain tayo ng maaga at ihanda ang sarili sa isang oras ng katahimikan o kung mayroong mga kasama ay kwentuhan naman. Kung nais maidlip, bakit naman hindi. HAPPY EARTH HOUR!
Related articles
- Earth Hour on March 23 goes a step further with an active campaign (ekathimerini.com)
- Earth Hour 2013: March 23, 8:30 PM (environmentaleducationuk.wordpress.com)
- Earth hour 2013: “I will if YOU will” (energment.wordpress.com)
- Earth Hour (popalx.wordpress.com)