LAST TAKE ON THE REVILLAME-BOOBA ON AIR/OFF AIR SCUFFLE : PREMEDITATED!


ChiriritMisomiso!

ChiriritMisomiso!

As a barefoot psychologist and an addict for truth and consequence; bigla akong natauhan sa mga pinaglitanya (my favorite word!) ni ChiriritMisomiso regarding nga sa nangyaring pagtanggal (as in tsugi) ni Willie Revillame kay Ethel Booba. Hindi ko rin inasahang magkaroon ng ganoong assessment si Chiririt dahil hindi naman halata sa fez nya ang profoundness. PROFOUNDNESS? Well, binobottomline ko na lang ang lahat para mabilis na maunawaan ang nais ipahiwatig ng nasabing assessment.  Hirit ni Chiririt, kilalang-kilala ni Willie ang timplada ni Ethel.  Palaban ang huli at nakilala sa pagiging bagrasin at pabalang rumipartee sa kanyang mga gigs at pati na rin sa totoong buhay. Siya yaong epitome ng ‘what-you-see-is-what-you-get’.  Idagdag pa na dahil sobrang eccentric ang dating, obvious na kahit sinong itabi sa kanya ay effortlessly niyang matatabunan sa pansin.  Marahil naisip ng producer/host na dagdag curiosity nga namang ilahok sa kanyang ginawa nang noontime variety show ang isang katulad ni Booba.  Which to some effect ay naging matagumpay.  Inabangan ng madla ang bawa’t exposure ng komedyana at kahit na nga si Ate Gay na isa ring takaw-pansin dahil sa talento nito sa pagpapatawa ay naitataob niya.  Marahil, dahil sa kadahilanang matindi ang dating ni Ethel ay sinadyang i-bully siya ni Willie dahil kamada na niyang magrereak ito ng matindi. Which totally happened! Nang ireview ni ChiriritMisomiso ang footage ng ‘konsye-konsyerto’ portion kapansin-pansing matutukoy mong si Ate Gay ang panalo dahil bukod na sa magaling ang kanyang performance, agaw-kinang ang umiilaw niyang bustier! Sinadyang asarin ni Willie ang lahat nang ideklara niyang winner si Ana Feliciano na hindi naman regular na sangkot sa portion na iyon. Willie was successful in purging the guts of Booba to the extent of hoping to get more attention from the public , hence adding pathetic rating points to his favor! TARUSH LANG?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s