SUPLADONG KOMEDYANTE , LUBOG NA SA PAGDARAHOP!


garySUPLADO ‘tong komedyanteng ito. Lumalabas siya sa public places pero iisnabin nya ang mga nakakikilala sa kanya. PABALANG pa, kaya maraming naka-encounter niya ay nakapagbitaw ng mga hindi magandang salita. One time (mga 1986 ata yon), nasumpungan ko siya sa may Robinson galleria theaters lobby tapos may aleng lumapit sa kanya para bumati sabay labas ng instamatic camera; binulyawan niya ito at tinabig  ang kamera na bumagsak sa sahig at nagkalat ang parts! Napahiya, pinulot na lang ng babae ang nagkalat na camera parts. Pero habang papalayo ay naglitanya ng : ‘ISANG ARAW GAGAPANG KA SA LUPA AT LALAMON KA NG PUTIK!’ … Naalala ko lang bigla dahil kaawa-awa na ang kanyang kalagayan ngayon. Wala na siyang bahay at sasakyan at umaasa na lang sa kagandahang loob ng mga kamag-anak at natitira pang mga kaibigan. Marahil ay isang halimbawa ang katulad niya na sa katiting na pagkilala ay nawalan na ng pagpasintabi sa kagandahang asal. Maraming katulad niya na sa malaon at sa madali ay matutulad rin sa kanyang kinahinatnan. Hindi ko nga matandaan ang pangalan niya, kayo, kilala nyo? ChoZ!  It always PAYS to be genuinely NICE you know!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s