
Twitter Account ng MTRCB
Rumireak na sa ngayon ang MTRCB sa mga reklamong inihain ng madla sa kanilang opisina ukol sa di-kaiga-igayang gawi o conduct na ipinamalas sa ‘WOWOWILLIE‘ ng TV5. Hindi man tuwirang tinukoy ang main host ng nasabing show pinaparating ng ahensya na nararapat lamang na tumulay sa angkop na pagsasakatuparan sa lahat ng mga panoorin sa telebisyon. Idinidiing kinakailangang magsagawa ng gender-sensitivity and decorum inquiry upang mapaliwanagan ang mga kumakalampag sa kanila. Ito ay bunsod sa kinalabasan ng February 28 episode ng show kung saan ay tinalakan ni Revillame ang cohost na si Ethel Booba dahil sa diumano’y pagtataas ng boses nito sa una. Bago pa man iyon, inihalintulad niya si Booba kay Anne Curtis na mukhang ikinaasar nito dahil umadlib ito ng : “Ano ito? Bakit mo kami ikino-compare doon? We’re talking about talent, not singit. Come on!” Paulit-ulit na binanggit ang salitang ‘singit’ ng kapwa hosts. Sabi ng MTRCB nitong Biyernes lang ay pinuputakte sila ng ‘GMRC’ (good manners and right conduct) ng mga reklamo sa pamamagitan ng social media. “as in all cases, the MTRCB shall endeavor to hear the side of all parties concerned.”