Parang aalatin ang showbiz career ng isang ARNO FUCHS (pronounced Fooks) aka ARNO MORALES na isang StarMagic talent dahil sa kanyang pag-upload ng mga malalaswang larawan at sex video sa internet ng kanyang dating girlfriend. Muntik nang mapansin itong si Fuchs dahil siya ang gumaganap na utol ni Sarah Geronimo sa ‘You Changed My Life‘ at ‘ A Very Special Love‘. Kinasuhan siya sa paglabag sa Republic Act (RA) 9262 o Violence Against Women and their Children before the Pasig City RTC Branch, na isinampa noong nakaraang taon ng kanyang dating kasintahang disisiete anyos lamang. Siya ang itinuturong nagpakalat ng kanilang kalaswaan. Inilabas ang warrant of arrest noong Pebrero 21, pero hindi siya kagya’t na natagpuan sa kanilang bahay sa BlueRidge, QC; bagkus ay natiklo siya sa Proj6. Natukoy siya dahil sa IP address na siyang pinanggalingan ng mga upload. Syempre, todo tanggi naman sa lahat ng mga ibinibintang sa kanya ang wala pang pangalang aktor na ngayon ay bahagyang nakilala dahil sa kaaliwaswasang pagbibintang. “Away lang ng mag-girlfriend/boyfriend yun so don’t make a big deal out of it,” aniya.
Mar
9
2013
Aliwan Avenue, san kaya mahahanap ang malalaswang scandal?
woe
w………………..