AliwanAvenue’s WOMAN Of The DAY : MS. LUALHATI BAUTISTA


lualhatibautista
Happy Women’s Day sa lahat! Isang katangi-tanging araw upang bigyan ng kakaibang pansin ang nagluluwal ng mas maraming tayo sa mundong ito sa panahong ating kinakakahunan.  Binabati ng ALIWAN AVENUE ang ating napiling WOMAN OF THE DAY, na dahil sa kanyang mga nilimbag na libro at inakdang katuturang nagbibigay linaw sa pagitan ng dalawang kasarian ay nakapag-ambag ng di-birong pagkilala mula sa kanyang madla.  Si Bb. LUALHATI BAUTISTA  ay buong pusong pinaghahandugan ng abang sulok na ito para sa matatas niyang pagkalinga sa mga kabuluhang panlipunan na mahirap malirip sa biglang-tingin.  Ang kanyang  Dekada ’70Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?, at ‘GAPÔ ay tatlo lamang sa napakarami niyang nailimbag na mga nobela at akdang pampelikula. Narito at namnamin natin ang mga linyang nagmula naman sa kanyang inu-obra pang nobela : 

“Makikita mo ang iyong sarili sa kapwa mo babae. Ni hindi mo kailangang manalamin, kailangan mo lang tumingin sa kanyang mukha. Nakaguhit din sa kanyang mukha ang sarili mong mga pangarap at pagkabigo, ang iyong mga kaligayahan at kalungkutan. Dahil pareho kayong babae… Pare-pareho kayong mga babae, marami nguni’t iisa.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s