In the wake of comedienne AIAI DELAS ALAS’ wailing on national teevee , a lot of stoic citizens seem to take notice of how kitsch she has become with her conduct. Seemingly, she is shopping for some sympathy with regards to her own emotional elevators sighing endlessly at the tip of her chin how unlovable she can become. UNLOVABLE? Well, ganun ang gusto niyang i-float. Na dahil sa sikat na sikat siya kahit hindi siya nakatatawa ay mahirap nang arukin ang lalim na panggagalingan ng kanyang kiliti. Na, sobrang high and mighty na ang dating niya sa human race kung kaya’t isang malaking challenge ang makarelasyon. Na, Off-sync na siya sa totoong daloy ng matinong mundo dahil bundat na bundat na siya sa tipo ng komedyang kanyang iniluluwal. So where do we interfere? Wa. Hindi na natin dapat pang pag-aksayahan ang lovelife ni Aiai dahil sa sariling buhay hindi na natin kailangan pang bigyan pansin ang kanyang gilagid o baba; dapat pagtuonan natin ng pansin kung paano natin mailalako ang ating mga puso at damdamin upang huwag makaabala pa sa naturalisa at banal na ikot ng mundo. Choz!
Mar
6
2013