MESSING UP NORA AUNOR


pizap.com13622768006342Mayroon pa rin kayang NORA AUNOR MAGIC na tinatawag? Sa tinagaltagal ng panahong kanyang nilisan at kapagdaka’y binalikan ang industryang nagkandili sa kanyang kasikatan hindi maipagkakaila na siya pa nga rin ang itinuturing na SUPERSTAR.  Bagama’t malamlam na ang commercial value ng kanyang mga iniluwal na produktong panoorin ; naroon pa rin ang patuloy na pagtaguyod sa kanya ng network na ‘sumagip’ sa kanyang aandap-andap na kasikatan.  Nitong huli ay napabalitang mahina na ang resistensya nito at ilang beses nang itinakbo sa ospital.  Sa kasagsagan nga ng taping ng kanyang ‘Never Say Goodbye’ na nakawiwindang ang takbo ng kwento (unfit material for a superstar ayon sa isang genetics professor sa UPLB) ; bigla raw itong hinihimatay sa set.  Nagtataka rin ang  karamihan dahil kung hindi na maganda ang pakilasa niya sa kanyang katawan baket tuloy pa rin ito sa paghitit-buga ng sigarilyo? Binalita na nga ring matitigok ang karakter niya sa tele-ek-ek nguni’t may mga bumabawi na ‘babalik’ rin ito makaraang palutangin sa kwento na tsugi na. KalyorkaBaby?  Mayroon ding mga sabi-sabing lumisan ito pabalik ng Amerika upang tuluyan nang ipaayos ang diumano’y nilapastangang vocal chords nang magpabanat siya ng balat sa Japan nguni’t wala naman sa talaan ng imigrasyon na siya ay um-exit! So, nasaan si SUPERSTAR NORA AUNOR?  Well, marahil ay nagpapahinga lang ito ng bonggang-bongga upang paghandaan ang ilan pang proyektong dapat niyang harapin katulad ng psycho/horror film na ‘DEMENTIA’ ni Jun Lana ; “Ang Kwento Ni Mabuti” ni Mes de Guzman at isa pang pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan .  .  . Klarado? Choz.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s