MERCEDES CABRAL in BAD ROMANCE OPENS APRIL 10 @ SELECT SM CINEMAS!


badromanceposter
Mayroong mga haka-haka na dito sa atin sa Pilipinas, kakaiba raw ang kahibangang  mapapansin sa mga tagahangang sumasamba sa kanilang mga paboritong artista.  Naroong pisikal na nagpapang-abot ang mga ito maipaglaban lamang na mas maganda ang kanilang idolo kesa sa karibal nito. Mayroon ding mga kulang sa patnubay ng kanilang mga magulang na basta na lamang na ibinubuyangyang ang kanilang sarili  matikman lamang ang mortal na kabuoan ng isang sikat na artista.  Ganito ang pinaghuhugutan ng obrang indielikula ni IAN DEL CARMEN na ‘BAD ROMANCE’. Si MERCEDES CABRAL bilang ‘Andrea’ ;  isang receptionist sa eksklusibong  hotel sa isang ilang lugar at isang diehard fan ni Sam Lloyd Pascual (Francis Lopez : Impressive acting and screen presence for a newcomer!) na bida sa teleseryeng kanyang sinusubaybayan. Marahil ay itinadhanang mapadako nga roon ang idolo nang pagtaguan nito ang kinasangkutang eskandalong sekswal.  Natural gagawin lahat ni Andrea upang akitin ang Lothariong aktor.  Magtatagumpay siya at hahantong agad ito sa umuusok na mga eksena.  Ang siste, sadyang mapaglaro lang talaga si lalake kung kaya’t nang nagkaroon ito ng ibang matitikmang putahe basta na lamang ipinamukha nito sa kawawang receptionist na never namang naging sila. Dito na magsisimula ang madugong kahihinatnan ng halos lahat ng mga naroon sa noo’y binabagyo nang hotel.  At syempre hindi ko na idedetalye pa upang sa mga makababasa nito’y maengganyong tuklasin kung gaano katindi ang ipinakitang talas ng pag-arte ng nag-iisang Reyna ng Indielikulang Pilipinong si MERCEDES CABRAL!  Maayos ang pagkatahi ng konsepto sa kabuoan ng pagkagawa ng ‘BAD ROMANCE’. Mayroon itong mga katangiang marahil ay masasabing bago sa paningin ng madlang tumatangkilik sa mga likhang indie dahil hindi lubusang tradisyunal ang istilo ng paglalahad.  Kakaiba rin ang ipinamalas na ensemble acting sa pangunguna ni RAUL MORIT, ARCHIE ALEMANIA, REY ‘PJ’ ABELLANA, OGIE DIAZ, FLOR SALANGA, AIZA SEGUERRA, KAREN GALLMAN, JASON GAINZA at JANELLE MANAHAN. Kung liripin sa isipan ang masasabing leksyon mula sa panooring ito; safe na segurong sabihin na never dapat pinaglalaruan ang pag-ibig! 

Ang ‘BAD ROMANCE’  ay showing na sa darating na APRIL 10 sa mga piling SM CINEMAS. Tentatively, magkakaroon din ng Red Carpet Premiere sa April 8 sa SM MEGAMALL CINEMA 9. Ito ay mula sa GRINDHOUSE PRODUCTIONS at ARGON VISION.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s