MERCEDES CABRAL is the New Face of FILIGRENASIA for 2013!


THE FACE OF FILIGRENASIA GAEACRAFT SILVER 2013

THE FACE OF FILIGRENASIA GAEACRAFT SILVER 2013

There’s no stopping as in parang batis na walang makapipigil sa pagdaloy ng magandang swerte at mga pangyayari sa buhay ng nag-iisang Reyna ng Indielikulang Pinoy na si MERCEDES CABRAL.  Unang bukas pa lang ng 2013 ay damang-dama na agad ang kanyang royal presence sa mundong kanyang ginagalawan.  Dahil siya ang mukha ng FILIGRENASIA GAEACRAFTS SILVER, masisilayan sa lahat ng kanilang outlets ang kanyang mayuming kayumangging kaligatang imahe suot-suot ang kanilang mga silvercrafts. Take note, ang Filigrenasia shops ay matatagpuan sa buong Pilipinas lang naman!

Kasabay rin nito halos ay ang pagpapalabas ng kanyang pinagbibidahang indielikulang likha ni Ian del Carmen na ‘BAD ROMANCE’.BADROMANCE

Kakaiba ang panooring ito dahil nakaiintriga ang casting nito kung saan ay makakasama niya sina Aiza Seguerra, Rey PJ Abellana, Jayson Gainza, Archie Alemania, Janelle Manahan,  Ogie Diaz at si FRANCIS LOPEZ. Magkakaroon ng special screening ang ‘Bad Romance‘  sa February 12, 2013.

Nakatakda ring mapanood si Chedeng sa bagong serye ng GMA News Tv na ‘Bayan Ko’ , narito ang press release tungkol dyan BAYAN KO is a special, 6-part dramatic mini-series that brings social realism back to local TV. It will present a fictional, newly elected mayor fighting a political dynasty, corruption and bureaucracy in his poor town. Bayan Ko will air before the May 2013 elections, with Rocco Nacino in the role of Mayor Joseph Santiago, with Pen Medina as the Governor and Ping Medina as his Congressman son. The series was created by GMA News TV Channel Head Nessa Valdellon. 

KABOGERA LANG ANG PEG? Reunited rin siya with Director BRILLIANTE MENDOZA sa malapit nang mapapanood na horror indieflick na ‘SAPI’ topbilled by Dennis Trillo.  Expect a whole lot of MERCEDES CABRAL sightings the whole year of 2013 and beyond! Of course, credits to her unwavering determination and sterling talent  syempre pa isama na riyan ang masugid at masusing pamamalakad ng MSB TALENT MANAGEMENT ni SHANDII BACOLOD sa kanyang career. 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s