Ilang buwan ko na ring nakunan ang larawang ito at hindi ko kaagad na pinalabas dahil sa takot na magkaroon ito ng epekto sa buhay-buhay dito sa amin sa Los Baños, Laguna. Nguni’t nang sa aking pananaliksik ay napatunayan ko na hindi na pala ito masasabing di-pangkaraniwan ay heto at buong aliw na sini-share ko sa mga mambabasa ng Aliwan Avenue. Tanghali ito nang minsang walang magawa ay nakatuwaan kong kunan ang aking paboritong bundok. Saglit itong parang nag-pose at biglang humagibis pakanluran kasabay ng isang tunog na parang pinaghalong alulong ng aso at ini-is-is na sahig. Hanggang ngayon tulala pa rin ang aking other self. Posible kayang madalas na pasyalan ng mga ganitong sasakyan mula sa kalawakan ang Makiling?
Related articles
- Two UPLB students drown in Mt Makiling (rappler.com)
- Makiling trail closed in wake of UPLB deaths (newsinfo.inquirer.net)
- UPLB to reopen case of students’ deaths in Makiling (newsinfo.inquirer.net)
- 2 UPLB students drown in Makiling stream (newsinfo.inquirer.net)
- Aliens & UFOs – Re: Triangle Shaped UFO in NASA Photo (disclose.tv)