sEPARATED@bIRTH : CHOKOLEIT & WENN DERAMAS


pizap.com13593334458041Hatinggabi at nasa gitna ng aking pagkahimbing nang bigla akong bulabugin ng isang kaluluwang ligaw na nagngangalang Chiririt Misomiso upang ibulalas lamang ang isang reyalisasyon na dumapo sa kanya.  Ito raw ang kanyang pinakamaniningning na kontribusyon sa Aliwan Ave. ever! Well, dapat lang seguro dahil binulahaw niya ang pag-uulayaw namin ni Daniel Matsunaga sa isang napakalabong panaginip na di ko matukoy kung paano at saan nagaganap! Separated @ Birth raw sina CHOKOLEIT at Direk WENN DERAMAS! Sey ko parang hindi naman pero nang ifinlash niya sa aking fez ang mga larawang kanyang nakalap sa kanyang buy-1-take-1 na iPad, nakumbinsin niya akong bahagya na iwan na muna ang aking pagka-idlip.  Magkahugis nga naman ang kanilang mga mukha ; mas makinis nga lang ang features ni Direk pero sa hilatsada ng mata, ilong at bibig ay mas lalong nagkakatalo. Halos kambal na silang maituturing! Puede ring sabihing si Chokoleit ay ang kaladkarin version ni Direk dahil obyus namang may ere ng isang kagalang-galang na bading ang huli. Pareho silang nasa larangan ng komedi , to refresh those who are not aware, si Deramas ay isang blockbuster comedy director at si Chokoleit ay matagumpay na stand up comedian/actor. 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s