WOWOWILLIE : FRANKENSTEIN SHOW WITH MORE DOLE OUTS AND ALMS!


WILLIE REVILLAME SHOULD BE A TESDA SPOKESPERSON!

WILLIE REVILLAME SHOULD BE A TESDA SPOKESPERSON!

We all just can’t get over WILLIE REVILLAME.  Yes, Willie R., the sensational rough-talkin’, saliva-spoutin’ sonnamagun who lures poor losers into his lair and make them a sad excuse for a show.  Hindi na rin siya puedeng pigilan dahil ayon sa hakahaka ng mga may hika , sobrang yaman na niya kaya when money talks the monkeys listen. Malakas rin ang hatak ng diumano’y pagkakawanggawa niya sa mga according to his own description : MAHIHIRAP. So, ipinamumukha niyang yumayaman siya dahil maraming mahihirap. Kumbaga’y humihigop siya ng kapal ng mukha mula sa mga taong pinagtaksilan ng sipag at tiyaga para pumila , manood at makaamot ng kakarampot na milyon mula sa kanyang palabas. Inaamin rin niyang nanonood siya ng ibang shows para paghugutan ng panibagong anyong iaayon sa kanyang nalalapit na magbubukas na noontime variety sa TV5 na creatively entitled WOWOWILLIE.  Nakaaaliw talagang isipin na matiyaga ang mga Pinoy sa mga ganitong joker na katulad ni Revillame.  Hindi sila napapagod na bigyan puwang sa kanilang buhay ang kalaswaang dumadaloy mula sa isang katulad niya.  Pilit pa niyang ikinakabit ngayon ang kanyang show sa EatBulaga at kunwari pang nagpasintabi kina Joey de Leon at Vic Sotto. Syempre plastikin lang siya ng mga nun at magsasabing Malay mo magkakasama rin tayo balang araw!”. Iyan diumano ang tinuran ni Joey na kung suriin ay may matalinhagang undertone, ibig sabihin, “Malay mo kung pumalpak ka dyan kunin ka naming remote broadcast host!’ Kung totoo mang superyaman na at taos sa puso ang nais ni Revillameng makatulong sa mga kapuspalad , bakit hindi isang NEGOSHOW ang kanyang ilunsad. Makipagtulungan siya sa TESDA kung saan ay iti-train nila ang maraming mga TAMAD na sugapa sa show niya para magkaroon naman ang mga ito ng DIGNIDAD! 

One comment on “WOWOWILLIE : FRANKENSTEIN SHOW WITH MORE DOLE OUTS AND ALMS!

  1. Pingback: sEPARATED@bIRTH : JM DE GUZMAN & RURU MADRID | ALIWAN AVENUE

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s