Sa kababrowse, not to mention kasusurf, natisuran (pero hindi naman nadapa) ng byuti ko ang photography ni Ash Reginald Evasco. Kapansin-pansin ang effort sa bawat shot. Masinop ang calibration ng ilaw, at syempre ramdam mo ang romance sa pagitan ng kamera at ng subject nito. Pinatingkad lalo ang mga ito ng model mismo na nagngangalang MARK JOHN SELLADO! Isang ramp/commercial model si Mark John and at 27, hinog na hinog na siyang pumalaot sa mundo ng mainstream showbiz. Minsan na siyang napasali sa grupong HOTMEN but at the moment ay wala pa tayong nababalitaang appearances niya. If you look closely, mapapansing maaliwalas ang kanyang mukha at artistang-artista ang dating. Hindi malayo ang posibilidad niyang sumikat bilang isang drama actor if and when he decides to finally join the acting bandwagon! He is ALIWAN AVENUE’s Best Bet for 2013.
Jan
25
2013
ok po to ha????????? salamat ng marami