COCO MARTIN : BEYOND THE LISP AND SOME NUDITY


pizap.com13590937113461Buong bansa ang nagkakaisa sa paniniwalang si COCO MARTIN ang pinakasikat na artista in recent history. Walang sinabi ang mga Dingdong, Piolo, John Lloyd at kung sino pang maisipan mo dahil natatanging si Coco Martin ang sumakop sa pangangailangang pang-aliwan ng mga haling sa libangang Pinoy.  Siya na yata ang matatawag nating “MOST SUCCESSFUL CROSSOVER ACTOR EVER” (parang Rotary o Zonta lang?) dahil mula sa kawalan tungo sa simpleng simulaing indielikula  at hanggang sa mainstream, namumukod tanging takaw pansin ang kanyang persona. Naroon na ngang naibuyangyang niya ang kanyang kakisigan sa ilang indie nguni’t hindi yaon naging sagabal sa kanyang pang-angat. Di tulad na iba riyang wala namang kapag-a-pag-asang sumikat, eh, pilit na itinataboy ang mga alaalang sa kanilang nakaraan ay nilantad nila ang kanilang mga maputla at hikaing katawan matawag lang na artista!  Wala tayong narinig na ganyan kay Coco.  Marahil dahil wala talaga sa kanyang ugali ang ikahiya ang anumang kanyang pinagdaanan. Isang katangiang kapitapitagan para sa isang artistang Pinoy.  Basta ba’t di mo naman binababoy ang sarili mo, why should be ashamed of your past? Pamantayan ‘yan ng mga taong likas na busilak ang adhikain sa buhay. Bagama’t ‘sumasawit’ o bahagyang may pagkautal o lisp si Coco ; lalo itong naging bahagi ng kanyang karisma. Aminin natin na cute pag guwapo ang may lisp, at nakakaasar kung panget ang meron nito! Sobrang layo na nga ang narating ng binatang kapampangan na Rodel Nacianceno ang tunay na pangalan pero mas lalo siyang naaabot ng masang ginawa na siyang kamag-anak dahil sa kanyang mga pagganap sa telebisyon at pelikula. Inaasahang mas tataas pa ang antas ng isang Coco Martin kung patuloy niyang pagbutihin ang kanyang craft at lalo’t higit hindi siya magbabago bilang isang tao, anak, artista at icon ng pinilakang tabing ni Juan dela Cruz!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s