KRISTA MILLER : Ang Babaeng Ipinaglihi Sa Kanyang Sarili


Krista Miller

Krista Miller

Biglang quick recall ang pangalang KRISTA MILLER sa kasagsagan ng pagkakadawit niya sa isang eskandalong di naman bago pero pinapatulan pa rin ng balana : Ang Pangangaliwa.  Marami na ring sumabit sa kakisigan ni CESAR MONTANO nguni’t ang lahat ng iyon ay nalampasan nila ng kanyang asawang si SUNSHINE CRUZ. Itong kay Krista nga lang ay mukhang may halo nang malisya. Malisya in the sense parang bumo-borderline na sa obsesyon ang dating dahil walang kahihiyang ipinangalandakan ng starlet na nagkamabutihan na sila ng kanyang co-star at direktor sa bagong biopic ni Mayor Alfredo Lim.  Yes, hindi siya na afraidolim sa kahihinatnan ng kanyang kahibangang mahumaling kay Montano.  CYNTHIA? Oo nga naman, SINO SIYA?  Siya ay si Krista Engle na ang screen name nga ay KRISTA MILLER para tunog class.  Gimikera, starlititay-wanna-be-for-the-longest time.  Ang tagline nga niya ay ‘BREAD WINNER’, kung kaya’t gagawin niya ang anumang kailangan mairaos lamang ang lahat ; take note lahat ng pangangailangan ng kanyang mga kamag-anak.  Gimikera rin siyang de-primera at napangkikita sa events at lounging places. Naging boyfriend din niya si NEIL COLETA (ng ‘Aryana’) at mukhang sineryoso siya nguni’t nang mauntog seguro ang binata nang may natuklasan siyang mga extraordinary activities ang dalaga ay kinalasan niya ito.  Yes, alam naman ng lahat ng friends ni Krista na ‘eskabeche’ material ang kanilang magandang kaibigan.  Kaya niyang mag-juggle ng mga lalake at damdamin all at the same time.  Noon palang sila pa ni Neil ay karelasyon niya ang isang Mayor sa isang bayan north of the metro.  Lately lang ay binayaran siya ng asawa ng may ari ng isang cosmetic company para layuan ang kanyang mister.  Si Cesar Montano ay maaring pinaka-ultimate dream niyang maharbat from his wife dahil sikat at established na sa industriyang  feel niyang maging reyna. 

Marahil kapag humupa na ang usok ng isyung ito ay matatantya na ng madla ang kalalagyan ng isang katulad niyang kinasusuklaman ng mga misis dahil sa kanyang pang-aaswang sa asawa ng may asawa. Isang taong ipinaglihi lang sa kanyang sarili at walang matatawag na values maaring gumawa ng ganun!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s