May bagong indielikula ang katakamtakam but elusive actor na si MARCUS CABRERA! Starring role siya mismo sa JUMBO JERICHO ni Sandy Es Mariano at malapit nang mapanood sa mga digicinemas sa MetroManila. Tipid lang at parang nanunuksong sinabi ni Marcus na isa itong ‘sexy drama’ flick na kailangan rawng pakaabangan ng kanyang mga naglalaway na fans! Well, the title says it all naman diba? Jumbo? Kaya mo ba’to? Kasama sa JUMBO JERICHO sina Sabrina M, Jao Mapa, Natasha Ledesma, JC Castro at marami pang iba.
Huling napanood si Marcus sa mga indielikulang Libido, Taksikab at The Grave Bandits.