NEWSFLASH! NEWSFLASH! Hindi pa huli ang lahat para sa mga direktor at writer na nais mag-submit ng kanilang orihinal at mapangahas na istorya para sa 9th Cinema One Originals Film Festival.Extended hanggang Pebrero 12, 2013 ang pagsusumite ng buong screenplay. Iniimbitahan ang mga batikang direktor at mga baguhan sa industriya na sumali sa festival para sa pagkakataong mabigyan ng P2M production budget (CINEMA ONE PLUS) o P1M production budget (CINEMA ONE CURRENTS). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa application requirements, bumisita sa CinemaOneOriginals at Cinema1channel. Ipapalabas ang mga napiling istorya sa festival sa Nobyembre 2013. Kabilang sa mga produkto ng Cinema One Originals ang Confessional, Mater Dolorosa, Yanggaw, Damgo ni Eleuteria, Slumber Party, Palitan at Melodrama Negra.
Related articles
- At the Cinema (aixcentric.com)
- LG Probably Had The Best CES Booth With This Awesome Cinema Scape (gizmodo.com.au)