No doubt to the fact that ALJUR ABRENICA is a paradigm of machismo. Sa ilang taon niyang pamamalagi sa mundo ng mga aninong gumagalaw and beyond mula nang maging grand winner ng StarStruck ng GMA ; laging ang kagandahan ng kanyang anyo at matikas na hubog ng kanyang kakisigan ang siyang best features niya. Hindi rin kasi siya nakitaan ng galing sa pag-arte dahil nakaka-distract nga ang kagwapuhan niya kaya keri na rin. Lalo’t higit siyang binigyan ng titulong ‘Wooden Actor’ nang bumida siya sa teleremake ng ‘MACHETE’ dahil sadyang malamig niyang ginampanan ang papel ng isang kahoy na naging tao. Maraming attempts na ring ginawa ang kanyang mother studio para sa kanyang career nguni’t ang lahat nang ito ay sadyang nauuwi lang sa malabnaw na pagtanggap. Just what is wrong with our man, Aljur? Mahirap masabi ‘yan dahil mukhang sa gitna ng kanyang kagandahan ng panlabas na anyo, hindi mahagilap ang X-factor na maaring magluklok sa isang artista sa pedestal na nararapat sa kanya. Lately, mayroong mga pasaring na handa na rawng maghubad si Aljur. Yes, Chiririt Misomiso … wala na raw siyang pangingiming maghuhubad pero sa entablado lang o sa isang stage play na siya ang bida! At syempre, frontal raw talaga basta ba mayroong matinding dahilan ayon sa takbo ng kwento. Really? Sana kung mangyayari iyon nasa front row ang inyong lingkod upang mabasbasan ang milestone sa kanyang career! Abangan!
Related articles
- Extra pogi points for Aljur (manilastandardtoday.com)
Hello po sa admin ng aliwan avenue! aware po ho ba kayo na kinopya po ni tita swarding ang item na ito at yong tungkol kay rodjun cruz sa column niya sa pinoyparazzi? http://www.pinoyparazzi.com/aljur-abrenica-handa-nang-ibuyangyang-ang-nota/comment-page-1/#comment-196117
Hi Sheila Mae, thank you sa concern. Kaibigan ko si Tita Swarding at ang alam ko ay naaaliw siya minsan sa posts dito at kanyang isinasalin sa kanyang columns. Lagi naman niyang binibigyan credits ang Aliwan Avenue…