TINA PANER : WANTED! [UPDATED WITH TINA’S REACTION]


pizap.com13578247362431NEWSFLASH! NEWSFLASH! PINAGHAHANAP na ngayon ang dating singer/actress sa Barcelona, Spain makaraang bentahan ng mga pekeng plane tickets ang ilang kababayan. Nabatid na hindi na mahagilap ngayon si Tina Paner, makaraang ireklamo ng mga kapwa Pinoy na kanyang binentahan ng pekeng plane tickets dahilan para hindi sila makauwi sa Pilipinas. Samantala, ipinaliwanag naman ng ina ng aktres na si Daisy Romualdez na magbibigay ng pahayag ang kanyang anak na biktima rin ng sitwasyon matapos lokohin ng isang ahente na mula naman sa Amerika.

UPDATE FROM ALFIE LORENZO’S ABANTE COLUMN : DUMATING na sa Pilipinas nu’ng Sabado nang gabi mula sa Barcelona, Spain si Tina Paner na inakusahang nagbenta ng pekeng plane tickets ng mga Pilipino roon. Nakausap namin si Tina Paner at relaxed siyang niliwanag ang malabong akusasyon sa kanya ng ilang Pinoy sa Barcelona. Inamin ni Tina na kabilang siya sa mga nagbebenta ng tickets sa advance booking na ibinibigay na mura lang mula July to December nu’ng isang taon. Kung halagang $900 halimbawa ang round trip ticket mula Barcelona to Manila and back ay nakukuha lang sa halagang $600 basta nag-book ka in advance of how many months. Nang magkagulo ang mga Pinoy na ‘di nakasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas ay si Tina raw mismo ang nag-ayos at pinalitan niya ang plane tickets. Nagbayad daw siya ng tunay na halaga ng flight. Almost 100 persons daw ang nabentahan ni Tina na kanyang inayos kahit hindi siya ang may kagagawan. Naubos ang finances ni Tina sa kaaabono sa mga napekeng tiket. May natira pang almost 20 persons na lang daw. Komo naubos na raw ang ipon ni Tina at wala na siyang pang-abono ay nakiusap na raw siya sa mga nabentahan ng pekeng tikets na babayaran na lang niya nang hulugan ang mga iyun. Pero maya’t maya raw ay tumatawag sa kanya sa telepono at nakakasagot ang anak niyang babae na 11-years old pa lang. Nandoon daw ang death threats at pagbabanta na naka-stress na kay Tina at ang anak niya ay nagkaroon ng trauma na sumagot pa sa telepono. Nagpasya si Tina na magbakasyon na muna sa Pilipinas para makapagpahinga siya at mailayo ang anak niya sa ‘di na magandang nangyayari sa araw-araw. Wala raw demandang inihain sa kanya at wala rin siyang naging problema sa Immigration kaya malaya silang nakabalik ng Pilipinas ng anak niya. Tuwang-tuwa si Mama Daisy dahil missed na missed na niya ang kanyang apo! Abangan ang tv interview ni Tina Pa­ner para sa mismong bibig niya manggaling ang pagliliwanag sa isyung ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s