Makaraang masugid na sinala ang 146 na mga isinumiteng akdang pampelikula , napili na ng pamunuan ng CINE FILIPINO FILM FESTIVAL 2013 screening committe ang TOP 8 na bibiyayaan ng ₱1.5M na budget upang mailikha ang mga ito , mapanood at magawaran ng kaukulang pagkilala at awards. Ayon kay Vincent Nebrida ang Festival Director, ang mga ito ay ang sumusunod :
1. Mes de Guzman — “Ang Kwento Ni Mabuti”
2. Ato Bautista — “Mga Alaala Ng Tag-Ulan”
3. Sigrid Andrea P. Bernardo — “Ang Huling Cha-cha Ni Anita”
4. Byron “Ron” Bryant — “Bingoleras”
5. Sari Dalena and Kiri Dalena — “The Guerilla Is A Poet”
6. Miguel “Mike” Alcazaren — “Puti (Achromatopsia)”
7. Janice Perez — “The Muses“
8. Randolph Longjas — “Ang Turkey Man Ay Pabo Rin”
Ang mga indielikulang ito ay ipalalabas sa Gateway, Ali Mall, Eastwood, at Newport Cinemas sa darating na June 26 hanggang July 3, 2013. Ang CINE FILIPINO FILM FESTIVAL ay ang pinakabago nguni’t pinakamatunog na festival ng mga independent films sa ilalim ng produksyon ng Unitel Production, Studio 5 (film arm of TV5), Smart-PLDT Foundation, at MediaQuest. CONGRATULATIONS sa mga napili at MABUHAY ANG INDIELIKULANG PINOY!
Thanks to MELL T. NAVARRO for his continuing reports!
Related articles
- Shot on Red Film Festival (xionentertainment.com)
- Festival radar: Cine-City, Brighton (guardian.co.uk)
- Sun Valley Film Festival Seeking Young Hot Shots and Aspiring Screenwriters (prweb.com)
- 2013 Sundance Film Festival Finalists (allthingsfulfilling.com)