Makaraang ilugmok ni Marquez si Pacquiao sa Las Vegas at taas-noo niyang tinanggap ang pagkatalo, panaka-naka na lang siyang pinapansin ng press. Bigla na rin tayong nagpahinga mula sa kanyang mga endorsements dahil pinull-out ang mga ito for obvious reasons. Matindi rin kasi ang epekto ng imaheng dinurog halos ng kalaban ang kanyang panga at pina-planking sa lona. Traumatic ito sa mga kabataan dahil ito ay ebidensyang malufetchakashiwahara ang boksing. Halata kasing napariwara ang sportsmanship ni Pacquiao dahil hinayaan niyang masilip ni Marquez ang kahinaan niyang ikinukubli. Kung muli silang magkita sa ring, asahan nating tuluy-tuloy na ang talo ng hindi na gasinong tinataguriang Pambansang Kamao. Nitong huli ay napansin ng isang doktor ang pagkakaroon niya ng senyales ng pagkakaroon ng PARKINSON’S DISEASE. Ang sakit na ito ay palasak na puedeng sabihing sanhi ng paulit-ulit na pagkabagok ng ulo sa matitigas na bagay. Ang mayroon nito ay uutal-utal at di-mapigilang pag-galaw ng mga kamay. Mariin itong pinabulaanan ito ni Pacquiao at maliwanag niyang ipinabatid sa mundo na : ‘HENDE KU KELALA SE DUKTUR PARKENSUNS! AT HENDE SIYA DAPAT NAGSASALITA NG GANYAN DAHEL HENDE SEYA ANG DUKTUR KU!”
Para sa’yo Manny, i-click mo ito please : PARKINSON’S DISEASE
Related articles
- Pacquiao camp threaten to sue doctor (gulfnews.com)
- Doctors Concerned Manny Pacquiao May Be Showing Early Signs of Parkinson’s or Alzheimer’s (complex.com)
- Doctor: Manny Pacquiao may be showing signs of early Parkinson’s Disease (offthebench.nbcsports.com)
- Manny Pacquiao Reportedly Showing Early Signs Of Parkinson’s Disease (hiphopwired.com)