RONNIE RICKETTS : SUSI SA PAGBURA NG MGA PIRATA!


ronniericketts
Kahit saan man ngayon titigan, maliwanag nang masasabing naibsan ang pagiging talamak na bentahan ng PIRATED DVDs sa buong bansa.  Mayroon pa rin namang iilan-ilang nagpupursige nito sa pamamagitan ng patagong bentahan o paglalakong parang taho nguni’t matiwasay na nating masasabing di birong pagkabagok ng underground na industriyang ito ngayon.  Mukhang isang RONNIE RICKETTS lang pala ang hinintay upang maibsan ang problemang ito na kumakatas ng milyones mula sa mga lokal nating film industry. Nakakatawang isiping hinawakan na ito mismo ng isang senador na walang nagawa kundi mang-raid para sabihing tinatrabaho nila ito.  Sa ilalim ng pamamahala ni Ricketts, halos nabura ng OMB 0 Optical Media Board ang mga kuta at tianggehan ng mga pekeng digital products na walang gasinong media coverage.  Tahimik lang na ginampanan nila ang kanilang gawain nguni’t ramdam na natin ngayon ang pagkawala ng mga bwisit ng mga pirata sa mga sidewalk.  Dito mismo sa Los Baños, Laguna ay nagbago na ng mga paninda ang ating mga kapatid na minsang nagtitinda nito ; ngayon mga damit at aksesorya na ang kanilang inilalako.  Nang tanungin sila kung bakit wala nang mga dvd ang tanging sagot nila ay ‘wala nang mabilhan sa Quiapo!’ .  Yaong mga ilan-ilang pang lugar na mayroon pa nito ay halata rawng mga luma na at walang bagong pelikula.  Marahil yaong napanood kong ‘The Kilabot Brothers’ ni Jose at Wally sa bus mula Sta Cruz hanggang Alabang habang showing pa ito sa mga sinehan ay isang isolated case.  Pero sa mga kaganapang hirap na ang mga adik sa pirated dvd (na kadalasan ay malabo, panget ang sound at putul-putol) na makahanap ng bagong panoorin ay isang napakagandang indikasyon na sa malao’t madali ay tuluyan nang madelubyo sa karagatan ng kawalan ni OMB CHAIRMAN RONNIE RICKETTS ang mga kriminal na ito!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s