ISAY ALVAREZ : ‘KATY’ sa CCP!


pizap.com13573497439981Pangungunahan ng singer-actress na si ISAY ALVAREZ ang muling pagsa-entablado ng Spotlight Artists Centre  sa ‘KATY’ na mapapanood sa  CCP Tanghalan Aurelio Tolentino (Little Theater) sa ika-17 hanggang 27 ng Enero, 2013.  Ang musical na ito ay hango sa totoong buhay ng tinaguriang Reyna ng Bodabil na si Katy de la Cruz ay katatampukan rin nina  Tirso Cruz IIIDulceLou VelosoGian Magdangal, Tricia Amper-Jimenez at Epy Quizon bilang ‘Dolphy‘.  Nilapatan ito ng musika ni Maestro Ryan Cayabyab ; Libretto ni Jose Javier Reyes at sa direksyon ni Nestor Torre.  Sinasabing pinakaaasam na papel ni Isay Alvarez ang ‘Katy’  dahil sa makulay nitong pakikipagsapalaran sa buhay bilang isa sa pinakasikat na jazz singer hindi lamang dito sa atin kundi pati na rin sa ibayong dagat noong kanyang kapanahunan. Hindi rin matawaran ang talento ni Isay sa pagganap at pag-awit dahil isa siyang batikang guro sa larangang ito at isa sa mga orihinal na tauhan gumanap sa MISS SAIGON (London). Isa rin siya sa mga aligagang character actress dahil maya’t maya ay napapanood sa telebisyon at pelikula.


Para mga detalye at tiket :  CCP @ 832-1125 o Ticketworld @ 891-9999.

By eklavumer Posted in TEATRO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s