INDIE FILM FESTIVALS GALORE!


pizap.com13572660432001Unang bukas pa lang ng 2013, heto at nakaposte na sa consciousness ng mga indielikula addicts ang dalawang pagkakaabalahang INDIE FILM FESTIVALS sa bansa! Dalawang malalaking events ang nakalatag nang maganap kung kaya naman ay aligaga na marahil ang lahat na sangkot rito. Of course ang dalawang malahiganteng indie film event na ito ay ang taunang CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL 2013 at ang bagong CINEFILIPINO FILM FESTIVAL ng TV5. Ayon sa post ni Mell Navarro sa kanyang PEG (PhilippineEntertainmentGuide) FaceBook Group: “Second week of January ang announcement ng CINEMALAYA Top 10 newbreed finalists (via a press release, altho nag-e-email na si Direk Laurice Guillen ng congratulatory notes sa mga nakapasa individually); while January 10th naman po ang official announcement ng CINE FILIPINO via a presscon, ng kanilang Top 8 official entries!”   Inaasahang sa mga indie film fest na ito ay mararanasan ng mga tumatangkilik na madla ang tipo ng mga pelikulang kanilang kinasasabikang matunghayan na magbubukas ng mga bagong kaisipan, hiram na karanasan , mapanuring pagninilaynilay at higit sa lahat pag-angat ng antas sa uri ng mga likhang aninong gumagalaw! KITAKITS tayo sa CINEMALAYA at CINEFILIPINO filmfests! Of course, antabayan na rin natin ang QUEZON CITY FILM FEST, CINEMANILA, CINEMA ONE ORIGINALS at SINENG PAMBANSA!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s