ANGELINE QUINTO : STAR OF THE MOMENT!


angelineInaamin ko na noong unti-unting ipinapahiwatig na si ANGELINE QUINTO ang susunod na ibibuild-up ng StarCinema hindi lamang bilang singer dahil siya ang tinanghal na grand winner ng isang forgettable singing contest kundi isang artista ; I was taken aback.  Hindi ko kinaya ang total package na nakita ko. Twitchy at matigas ang dating ng mukha niya , at kapuna-puna na mayroon siyang enunciatory defect dahil ang ‘you‘ niya ay ‘chew‘ sa pandinig ko among other booboos.  Plapchinaorteyleyza ang pelikula nila ni Coco Martin na lately ko lang napanood sa isang bus mula Alabang hanggang Los Baños.  Chaka nga naman ang kabuoan nito pero kapansin-pansin na mayroong potential ang akting ni Angeline. Lumelebel siya kay Coco sa mga eksena at mukhang charm na niya ang kanyang angking ‘accent’ na parang sumi-sing-song.  Napag-isip ko na malamang ang nakita ko lately sa kanyang filmic attitude o conduct ay marketable dahil katulad ng ibang artistang masang-masa ang dating hindi pala siya mahirap mahalin.  Maramdaman mo na sa kabila ng kanyang sob-back-story ay mayroong isang desididong kaluluwa na itinadhanang masadlak sa mundong puno man ng kaplastikan ay parang batis naman ang agos ng datung para sa mga sinuswerteng kagigiliwan ng bonggang-bongga.  Ang tantiya ko lang , ang kanyang  career ay magiging isang matatawag nating ‘reigning moment’ kung saan ay magkakamit siya ng masigabong pagtanggap ng publiko nguni’t pagkaraan ng ingay at lahat ay mas nanaisin niyang manahimik habang pinagkakaguluhan pa siya. Huwag naman sana. Wish ko na mamamayagpag si Angeline at maihanay sa isa sa mga pinakasikat na singer-aktres ng kanyang panahon! Malapit na siyang mapanood sa teleseryeng ‘KAHIT KONTING PAGTINGIN’ kasama sina Paulo Avelino at Sam Milby sa ABS2.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s